• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Three months after na masagasaan ng snowplow: JEREMY RENNER, nakatatayo na at gumagamit na ng treadmill

SOBRANG seloso pala ang boyfriend ni Jasmine Curtis Smith na si Jeff Ortega.

 

Sa pitong taon daw na may relasyon sila, nauunawaan na raw ni Jasmine ang pagiging seloso ni Jeff. Kaya tuwing meron sila ‘di napag-uunawaan, nagiging honest agad si Jasmine sa pagsabi kay Jeff kung ano ang diperensya nito.

 

“Mas na-practice ko na immediate. Kasi kapag nag-linger, ang daming nagfo-fall na bagong thoughts and comments sa utak ko. I don’t want that to add up.

 

“People in your life will come and go, no matter the circumstances — good or bad and kailangan ready ka sa mga ganun bagay for you to stand up even when things are shaking and changing,” sabi pa ni Jasmine.

 

***

 

THREE months after na masagasaan ng snowplow ang Marvel actor na si Jeremy Renner, ngayon ay nakatatayo na ito at gumagamit na ng treadmill.

 

“Now is the time for my body to rest and recover from my will,” caption ng 52-year old bida ng series na Hawkeye sa pinost nitong video.

 

Nalagay sa critical na condition ang two-time Oscar nominee noong pumailalim siya sa isang umaandar snowplow sa kanyang bahay sa Reno, Nevada noong January. Higit na 30 bones ang na-fracture sa iba’t ibang parte ng katawan niya.

 

Hindi pala nalagay ng aktor sa emergency brake ang minamaneho niyang snowplow noong bumaba siya para tulungan ang kanyang nephew sa kotse nito.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PBBM, Digong ginagalang ang kapasyahan bilang babae ni VP Sara

    SINABI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi niya kailanman tinatalakay ang pulitika sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil kapwa aniya ginagalang ng mga ito ang kanyang kapasyahan bilang babae.       Sinabi pa rin ni VP Sara na hindi […]

  • Kasalan Bayan sa ika-17th Navotas Cityhood Anniversary

    SINAKSIHAN ni Mayor John Rey Tiangco at mga opisyal ng pamahalaang lungsod ang pagpalitan ng mga mangako ng 39 mag-asawa sa isang heartwarming celebration ng pagmamahal sa ginanap na Kasalang Bayan noong June 24, bilang bahagi ng ika-17th Navotas Cityhood Anniversary festivities. Kabilang sa mga mag-asawang matagal nang magkasintahan ay sina Cirilo Arsenio, Jr. at Anabel Alcantara, […]

  • Pasahe sa MRT 3 tiyak na tataas sa darating na taon

    Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na may mangyayaring pagtataas ng pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa darating na unang quarter ng taon.       “I understand that MRT 3 fare hike will be presented to the LRTA board next year. I think the LRTA will not be hard up if […]