• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiamzon umayuda sa mga taga-Bicol

NAGPADALA ng tulong sa isa sa mga sinalantang lugar ng ilang dumaang bagyo sa bansa si Premier Volleyball League (PVL) ace skipper Nicole Anne Tiamzon na nang magpunta sa Bicol.

 

“Tagal ko ng gusto magpunta ng Albay para makita ang Mayon. Pero hindi ko inaasahan na sa unang pagbisita ko sa probinsya ay maghahatid pala ako ng relief goods para sa mga kababayan natin doon,” post ng BanKo Perlas Spikers open hitter sa Instagram niya Linggo.

 

Hinirit ng 25-taong gulang,may taas na 5-6 na dalagang balibolista:

 

“Nakita ko mismo ‘yung mga bahay na mga sinalanta ng bagyo pati ang malalaking bato na gumulong at sumira sa kanilang mga bahay.”

 

Pinapurihan at pinasalamatan naman ni Tiamzon ang mga nakasangga niya sa pagpunta sa naturang lalawigan na kinabibilangan ng Spike and Serve Philippines Inc., Volleyball Community Gives Back at BanKo Perlas Spikers.  (REC)       

Other News
  • HERE’S KRYPTO, THE SUPER-DOG IN “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”

    MEET Krypto, the Super-Dog and Superman’s best friend in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film “DC League of Super-Pets.”  Here to sit, stay and save the world.     Check out the featurette “Meet the Pets – Krypto the Super-Dog” below and watch the film in cinemas across the Philippines July 27.   […]

  • DEREK, pinasalamatan ni ELLEN at sinabing ‘man of her dreams, affirmations and prayers’

    NOONG Martes Santo nag-propose na nga ang Kapuso actor sa kanyang three-month girlfriend na si Ellen Adarna.       Ginulat nga ni Ellen ang showbiz industry sa IG post niya ng mga pictures na kinunan habang nagpo-propose si Derek.     May caption ito ng, “Game over!” lang ang iniligay na caption ng aktres […]

  • Bida sina Dante, Enchong at Cedrick: Historical film na ‘GomBurZa’, pasok sa final 6 ng ‘MMFF 2023’

    KAHIT walang ka-loveteam, okey lang daw iyon sa Sparkada na si Kim Perez dahil gusto niyang makatrabaho ang maraming aktres sa showbiz.     Nais ding subukan ni Kim ang iba’t ibang roles kaya di na raw niya kailangan ng ka-loveteam.     “I like to experiment po with different roles. Ayoko ko pong ma-stuck […]