• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

KAAGAD nagbigay ng tulong pinansyal sina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco sa halos 60 pamilyang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay sa Navotas City.

 

 

Personal na binisita at kinamusta ni Mayor Tiangco, kasama ang ibang pang mga opsiyal ng lungsod ang mga nasunugan na karamihan ay pansamantalang nanunuluyan sa basketball court ng Tanza National High School para iabot ang tulong pinansyal.

 

 

Naghandog din ang pamahalaang lungsod ng hot meals, relief goods at mga hygiene kit, pati na gamot at mga vitamins.

 

 

Nabatid na dakong alas-4 noong Biyernes ng hapon nang magsimula ang sunog sa Silahis St. Brgy. Tanza 1 na halos nasa gilid lamang ng Tangos River.

 

 

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang mga gawa sa light materials ang mga kabahayan sa lugar kaya kaagad na itinaas sa ikalawang alarma ang sunog.

 

 

Ayon kay Navotas City Fire Marshal Supt. Jude Delos Reyes, dahil nasa tabing ilog lamang ang mga nasusunog na kabahayan, ginamit nila ang kanilang fireboats na nakatulong ng malaki dahil tuloy-tuloy ang buga ng tubig sa mga nasusunog na kabahayan.

 

 

Alas-5 ng hapon nang idineklarang fire out ang sunog na tumupok sa may 30 kabahayan habang wala namang iniulat na nasawi o nasugatan bagama’t karamihan sa mga apektadong pamilya ay walang naisalbang kagamitan sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy.

 

 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng ari-ariang natupok sa sunog habang nagpaalala naman si Mayor Tiangco sa mga Navoteños na palaging mag-ingat para maiwasan ang ganitong insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • ERC, ipinag-utos sa power firms sa Kristine-hit areas na suspendihin ang disconnections, magpatupad ng bills payment schemes hanggang Disyembre

    IPINAG-UTOS ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa electric industry stakeholders sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity kasunod ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine na suspendihin ang disconnections at magpatupad ng flexible bills payment schemes hanggang Disyembre.   Layon nito na pagaanin ang pasanin ng mga apektadong consumers.   Sa ipinalabas […]

  • Donaire target ang rematch kay Inoue

    Nakatuon na ngayon ang atensiyon ni Filipino WBC Bantamweight World champion Nonito Donaire Jr na makaharap muli si Japanese unified bantamweight champion Naoya Inoue.     Ito ang naging pahayag ng “The Filipino Flash” matapos ang matagumpay na pagdepensa ng kaniyang titulo laban kay Reymart Gaballo.     Pinatumba kasi ni Donaire si Gaballo sa […]

  • DOLE, NAKATAKDANG DESISYUNAN ANG WAGE HIKE PETITIONS

    INAASAHAN na raw na maglalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng kanilang desisyo nsa mga wage hike petitions sa lalong madaling panahon.     Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, posibleng sa mga susunod na mga linggo ay may desisyon na rito ang RTWPB.     Aniya, […]