• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiangco brothers naguna sa NCR mayors, solons job performance rating

NANGUNA si Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa performing City Mayors sa National Capital Region (NCR), batay sa isinagawang independent at non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

 

 

Sa inilabas ng RPMD “Boses ng Bayan” Annual Report 2023, nakakuha si Mayor Tiangco ng 90.3% performance rating.

 

 

Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco dahil sa patuloy na ibinibigay na tiwala at suporta sa kanya.

 

 

“Kayo ang aming inspirasyon upang tuloy-tuloy ding maglingkod ng tapat at mahusay. Makakakaasa po kayo na pagiibayuhin na natin ang Serbisyong All The Way para lalo pang maging Saya All ang mga Navoteño,” aniya.

 

 

Samantala, napanatili naman ni Congressman Toby Tiangco ang pagiging top Performing Representatives sa NCR matapos magkamit ng 92.3% performance rating.

 

 

“Tayo po’y lubos na nagpapasalamat pagkat tayo po ang nagawaran ng “Highest Rating sa Exemplary Public Service” na Congressman sa Metro Manila sa “Boses ng Bayan 2023 Annual Performance Assessment” ng RPMD,” ani Cong. Tiangco.

 

 

“Congratulations din po sa inyong lahat mga kababayan kong Navoteño ‘pagkat hindi po natin makakamit ang kapurihang ito kung hindi sa inyong pakikiisa at suporta. Karangalan ko po na kayo’y paglingkuran,” dagdag niya.

 

 

Isinagawa ang nationwide “Boses ng Bayan” survey, mula December 27, 2023, hanggang January 5, 2024 kung saan job performance ang naging batayan ng 10,000 respondents sa buong Pilipinas.

 

 

Ang magkapatid na Tiangco ay kapwa top placer sa mga independent survey na regular na isinasagawa ng RPMD para pasiglahin ang accountability, transparency, at epektibong pamamahala sa bansa. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30 sa PNP at AFP: Be ready for Russia-Ukraine war spillover

    SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ihanda ang sarili para sa potensiyal na ‘spillover’ sa Asya ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Sa idinaos na graduation rites ng PNP Academy “Alab-Kalis” Class of 2022 sa Silang, […]

  • Maraming natuwa sa post ni Camille: HEART, balik-Pinas na at hinihintay kung magkikita sila ni Sen. CHIZ

    MARAMING nagulat nang mag-post si Kapuso actress Camille Prats ng photo nila ni Kapuso actress at fashionista na si Heart Evangelita.       Natuwa ang mga fans ni Heart at umani ng maraming likes, sa post ni Camille na magkasama sila sa loob ng dressing room ng GMA Network, with a caption “nice bumping into […]

  • Net income ng GSIS, tumaas ng 70% o naging P113 billion noong 2023

    INIULAT ng Government Service Insurance System (GSIS) na tumaas ng 70% ang net income nito para sa nakalipas na taon sa gitna ng makabuluhang paglago ng ‘equity holdings at fixed income portfolio” nito sa nasabing panahon.     Sinabi ng GSIS na ang net income nito ay tumaas ng P113.3 billion mula P66.4 billion noong […]