Tig-5K na ayuda bigay sa 674 students sa Maynila
- Published on July 9, 2022
- by @peoplesbalita
NASA 674 estudyante sa Maynila ang pinagkalooban ng tig-P5,000 tulong pinansyal sa pangunguna ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Pawang mga estudyante mula sa mahihirap na pamilya ang inabutan ng tulong pinansyal ni Lacuna at ng mga opisyal ng Manila Social Welfare and Development (MSWD) sa San Andres Sports Complex.
Nabatid na umaabot sa kabuuang P3,370,000 ang naipamahagi ni Lacuna sa may 674 benepisyaryo na nagmula sa iba’t ibang distrito ng lungsod, sa ilalim ng kanilang Educational Assistance Program (EAP).
Ang EAP ay isang locally-funded regular program sa ilalim ng MSWD, na ang layunin ay magkaloob ng tig-P5,000 financial assistance para sa mga edukasyunal na pangangailangan ng mag-aaral na nabibilang sa marginalized families sa Maynila.
Ayon kay Lacuna, kabilang sa mga recipients na tumanggap ng ayuda ay 388 beneficiaries mula sa District 1 na umabot sa P1,940,000; District 4 na may 150 beneficiaries na nabigyan ng kabuuang P750,000; at District 6 na may 136 beneficiaries o kabuuang P680,000 ayuda.
Samantala, pinaalalahan din ni Lacuna ang mga Manilenyo na mahigpit pa ring ipinatutupad ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar makaraang mapansin na marami na ang hindi sumusunod dito.
Sinabi ni Lacuna na marami nang nasisita na taga-Maynila na lumalabas ng bahay na wala nang suot na face mask. Ipinaalala niya na mayroon pa ring COVID-19 at umiiral pa rin ang Ordinance No. 8627 (Mandatory Use of Face mask in Public places).
Sa mga lalabag sa nasabing ordinansa ay pagmumultahin ng P1,000 para sa first offense, P2,000 para sa second offense, at P5,000 o isang buwan na pagkakabilanggo o parehong parusa para sa ikatlo at magkakasunod na paglabag. (Gene Adsuara)
-
Netflix Reveals the Trailer to the Newest Animated Musical Film ‘Vivo’
AFTER getting us excited by treating us with a clip from the movie last week, Netflix finally reveals the trailer to Vivo, the newest animated musical film, coming to the site this August 6. The film features a star-studded voice cast, which includes Lin-Manuel Miranda, Zoe Saldaña, Gloria Estefan, and more. See the […]
-
Vintage bombs nadiskubre sa Caloocan
NATAGPUAN ang hinihinalang mga vintage bombs o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon nang madiskubre ang nasabing ERW sa excavation site sa loob ng Manila Central University Compound sa Morning Breeze St., Brgy. 84 ni Virgilio Lapitan, […]
-
DOTr pinagtanggol ang “no vax, no ride” na polisia
Pinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang inilabas nilang Department Order (DO) 2022-001 tungkol sa “no vax, no ride” polisia kung saan sinabi nila na hindi ito anti-poor. Nilinaw at diniin ng DOTr na ang polisia ay hindi naman nagbabawal sa mga tao na maglakbay. “The policy is not anti-poor […]