Tiger Woods, umatras sa mga sasalihang torneyo matapos sumailalim uli sa back surgery
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
Napilitan si golf superstar Tiger Woods na umurong muna sa mga lalahukan sana nitong torneyo makaraang sumailalim muli sa back surgery.
Una rito, inanunsyo ng kampo ni Woods na sumalang ito kamakailan sa isang microdiscectomy surgery para tanggalin ang pressurized disc fragment sa kanyang likod.
Kaya naman, hindi muna maglalaro si Woods sa Farmers Insurance Open sa Torrey Pines, maging sa Genesis Invitational sa Riviera, na gaganapin mula Pebrero 18 hanggang 21.
Sa isang pahayag, sinabi ng kampo ng 15-time major winner na naging matagumpay ang operasyon at inaasahan din ng mga doktor na gagaling ito nang tuluyan.
Ayon naman kay Woods, sisikapin niya raw na makarekober agad nang makabalik na rin ito sa paglalaro ng golf.
“I look forward to begin training and am focused on getting back out on tour,” wika ni Woods.
Hindi naman nagbigay si Woods ng petsa kung kailan ito posibleng magbalik-aksyon.
-
Dumbledore’s First Army Reveals in ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’ Featurette
‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’ just revealed a featurette about Dumbledore’s First Army, along with character posters of the magical group! Get an inside look into the making of ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore‘ with a newly-released featurette about Dumbledore’s First Army. The launch coincided with the reveal of solo posters […]
-
Famy, Laguna Mayor Pangilinan pumanaw na matapos dapuan ng COVID-19
Pumanaw na ang alkalde ng bayan ng Famy, Laguna Mayor Edwin Pangilinan matapos dapuan ng COVID-19. Kinumpirma ito ng kampo mismo ng 53-anyos na alkalde. Ayon sa Public Affairs Office ng Laguna, dinala pa sa pagamutan ang alkalde noong Marso 15 dahi sa hirap itong huminga at noong araw din yun […]
-
Phil. Women’s football team pasok na sa quarterfinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup
PASOK na sa quarterfinals ng 2022 AFC Womens’ Asian Cup ang pambato ng bansa matapos ilampaso ang Indonesia 6-0 sa laban na ginanap sa Pune, India. Dahil sa panalo ay nasa pangalawang puwesto na sila sa Group B na mayroong dalawang panalo at isang talo. Nangunguna pa rin sa Group B […]