• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinanggap ang offer na makatambal si Richard: MAJA, tuloy-tuloy lang sa ‘Eat Bulaga’ kahit balik-serye na sa ABS-CBN

STARTING this Monday, October 3, GMA Network proudly presents the next important television milestone that will make history and love for the country a fun learning experience via “Maria Clara at Ibarra.” 

 

 

Tatampukan ito nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose and Kapuso Drama King Dennis Trillo.

 

 

Among the  three lead stars, very excited si Julie Anne for her role, as Maria Clara, and how it inspires her in real life.

 

 

“Si Maria Clara kasi napaka-iconic.  We all know her as a symbol of hope, purity and sacrifice. Ini-embody niya ‘yung isang babae na ipinaglalaban niya ‘yung mga karapatan niya.”

 

 

Humanga rin si Julie Anne sa preparations ng production para ma-assure ang accuracy and credibility of Rizal’s novels.

 

 

“May historians and consultants po kami sa show,  language coach ng Spanish.  Kahit ang pagsasalita namin, dapat tama ang pagbigkas ng Tagalog noong panahong iyon, ang pagkilos, pag-arte at pananamit namin, para maging authentic ang mga eksena at paniwalaan na nangyari talaga ang mga iyon nang panahong iyon at maganda kapag nag-meet na ang past at present.”

 

 

Sa direksyon ni Zig Dulay, with Creative Consultant, Suzette Doctolero, mapapanood ang “Maria Clara at Ibarra,” after “24 Oras.”

 

 

***

 

SURPRISED urprised si Sparkle GMA Artist Derrick Monasterio sa dalawang awards na natanggap niya  mula sa The Diamond Excellence Awards na ginanap sa Okada Hotel last September 27.

 

 

Si Derrick ang napiling Outstanding TV Actor of the Year at siya rin ang napiling Male Star of the Night nang gabing iyon.

 

 

Nagpasalamat si Derrick: “Thank you 2nd Diamond Excellence Awards for recognizing my talents, hardwork and sacrifices.  And oh, thanks for this unexpected Male Star of the Night Award too.  #1stActingAward.”

 

 

Dagdag pa ni Derrick, magiging inspirasyon niya ang first acting award niya para lalo niyang pagbutihin ang trabaho niya ngayon, ang ongoing GMA Afternoon Prime series na “Return to Paradise,” with Eula Valdes, Teresa Loyzaga, Allen Dizon, and new Sparkle GMA artist Elle Villanueva na napapanood at 3:20PM sa GMA-7.

 

 

***

 

 

PUMUTOK na ang balita na bumalik na muli sa kanyang home network ang aktres na si Maja Salvador.  

 

 

Nabalita rin na nakita sila magkasama ni Richard Gutierrez sa Cebu, dahil doon daw ang shoot ng pagtatambalan nilang serye, ang “Iron Heart,” sa Kapamilya Channel, at makakasama nila sina Sue Ramirez at Jake Cuenca.

 

 

Taped na last Monday to Wednesday ang long-running noontime show na “Eat Bulaga,” kaya akala ng mga netizens, umalis na si Maja sa show.  Pero last Thursday, live na ang EB, at naroon na si Maja.

 

 

Allowed naman siguro siya na mag-guest pa rin sa ibang shows, kahit nasa ABS-CBN na siya uli, dahil lumalabas rin siya sa TV5.

 

 

***

 

NAG-SIGN ang GMA Network, Inc. at ang Nestle Philippines ng isang agreement for a joint campaign on climate change to intensify consumer education and encourage collective action on plastic waste via “Kapuso at Kasambuhay ng Kalikasan.”

 

 

Ayon kay GMA Network’s Vice President and Head of Corporate Affairs and Communications Angel Javier Cruz, magiging faces and the heart of the campaign ang mga Sparkle Artists na sina Sanya Lopez, Bianca Umali, Sofia Pablo, Allen Ansay, Anjay Anson, Kirsten Gonzales, at Vanessa Pena, to inspire and to influence Filipinos to protect our common home.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Caloocan City Jail naka-heightened alert dahil sa riot

    SINIBAK na sa pwesto ang Jail Superintendent ng Caloocan City Jail, matapos ang madugong riot na ikinasawi ng anim na preso at 33 ang sugatan.     Ayon kay BJMP Spokesperson JSupt. Xavier Solda nag assume na ngayong araw bilang Officer-in-Charge ng pasilidad si Jail Superintendent Lloyd Gonzaga matapos alisin sa pwesto si Jail Superintendent […]

  • Aminado na may nagawang pagkukulang: DENNIS, umaasa na magkakaayos pa rin sila ng mga anak niya

    ISANG emosyonal na Dennis Padilla ang nakapanayam namin sa storycon ng bagong pelikulang ‘Magic Hurts’.     Alam naman ng publiko ang masalimuot na sitwasyon sa pagitan ni Dennis at mga anak niyang sina Julia, Claudia, at Leon na mga anak nina Dennis at dati nitong karelasyon na si Marjorie Barretto.     Ang ‘Magic Hurts’ […]

  • Hoping na maipalabas sa 70th birthday ng National Artist: ALFRED, labis-labis ang pasasalamat kay NORA sa pagtanggap sa ‘Pieta’

    SA storycon ng ‘Pieta’ na ginanap noong Biyernes sa Victorino’s Restaurant inamin ni Councilor Alfred Vargas na dream come true na makatrabaho sina Superstar Nora Aunor at Direk Gina Alajar.     Ang naturang pelikula ay ididirek ni Adolfo Alix Jr. at ang aktor din ang magpo-produce after ng matagumpay na ‘Tagpuan’.     Nilinaw naman […]