• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinanggihan ang offer na new timeslot: ‘It’s Showtime’, babu sa TV5 at lilipat na sa GTV sa July 1

NAGLABAS na ng official statement ang ABS-CBN sa pagtatapos ng kontrata ng “It’s Showtime” sa TV5 sa June 30 at uukupahin na ang noontime slot ng bagong show ng TVJ.
“Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN kay TV5 Chairman Manny Pangilinan para sa kanyang pagsuporta sa ABS-CBN at sa paghahatid ng “It’s Showtime” sa mas maraming manonood sa pamamagitan ng aming content partnership,” simula ng statement.
“Dahil sa bagong programming ng TV5, ikinalulungkot naming ibalita na hindi na mapapanood ang “It’s Showtime” sa TV5 simula 1 July 2023.
“Sa loob ng labing-apat na taon, walang patid na saya ang hatid ng “It’s Showtime” sa Madlang People sa loob at labas ng bansa. Pinahahalagahan namin ang magandang samahan na nabuo namin sa mga manonood tuwing tanghali. Dahil dito, minabuti  naming  tanggihan  ang 4:30 pm time slot na inalok ng TV5 para sa programa,” pagpapatuloy pa.
May maganda naman silang balita sa bandang huli ng statement, “Tinitiyak namin sa mga manonood ng “It’s Showtime” na patuloy nilang mapapanood ang kanilang paboritong noontime show sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC mula Lunes hanggang Sabado ng 12 ng tanghali.
“Lubos ang aming pasasalamat sa GTV Channel ng GMA at nakahanap ng isa pang tahanan ang “It’s Showtime.”
“Simula 1 July 2023, mapapanood na rin ang “It’s Showtime” sa GTV mula Lunes hanggang Sabado ng 12 ng tanghali. G na G na tayo, Madlang People!
“Maraming, maraming salamat sa mga manonood na nagmamahal at sumusuporta sa “It’s Showtime” at sana ay patuloy kayong mapasaya ng aming programa.”
Sa IG post naman ni Vice Ganda, mababasa ang caption niya na, “tara na! G na G na kami!”
Marami namang natuwa sa naturang pangyayari dahil parang Kapuso na raw ang noontime show nina Vice.  Kaya wish nila na ay mag-guest ang mga Kapuso stars, lalo na pagsisimula sa July 1.
Marami naman ang advance mag-isip, na kapag tapos sa 2025 ang kontrata ng TAPE Inc. sa GMA bilang blocktimer ay baka sa “It’s Showtime” na ito ibigay.
Pag  nagkatotoo ito, muling magbabakbakan sa  noontime slot ang bagong TVJ show at show nina Vice Ganda.
Sa ngayon, aabangan  na lang natin ang pamamaalam nila sa TV5 sa June 30 at ang pasabog nilang episode sa July 1 bilang pagpasok ng grupo sa bago nilang dagdag  na tahanan, ang GTV.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Simon Pegg Shares A Crazy Story About Tom Cruise While Filming ‘Mission: Impossible – Ghost Protocol’

    SIMONG Pegg shares a crazy or wild story about co-star Tom Cruise from when they were filming Mission: Impossible – Ghost Protocol helmed by The Incredibles director Brad Bird.     The film sees the Impossible Missions Force shut down after being implicated in a bombing at the Kremlin, forcing them to go rogue to clear their name. Jeremy Renner and Paula Patton […]

  • National fencing team sasabak sa Olympic qualifying sa Uzbekistan

    Umaasa ang Philippine fencing team na makakabiyahe sila sa Abril patungo sa Uzbekistan para sumabak sa qualifying tournament ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Sumulat na si Philippine Fencing Association (PFA) president at Ormoc City Mayor Richard Gomez kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.     Lalahok ang mga […]

  • ‘Never-say-die spirit’ buhay na buhay – Cone

    MARAMI ang nag-akalang hindi maidedepensa ng Barangay Ginebra ang kanilang korona dahil sa pagiging No. 6 team matapos ang elimination round at ilang injuries sa mga key players.     Ngunit noong Biyernes ng gabi ay muling tinalo ng Gin Kings ang Meralco Bolts sa championship series para pagharian ang PBA Governors’ Cup sa ikaapat […]