Tindero ng pares hinoldap, binaril
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
Kritikal ang lagay ng isang tindero ng pares matapos barilin ng holdaper sa Baseco Compound, Port Area, Manila, noong Martes ng hatinggabi.
Pauwi na ang biktimang kinilalang si Samson Bautista, 41, kasama ang kanyang kaibigang si Pio Ramos sakay ng kanilang tricycle nang harangin ng armadong lalaki sa Barangay 649. Sa CCTV footage mula sa barangay, makikita ang suspek na inaagaw ang slingbag na dala ni Bautista.
Itinaas ng holdaper ang baril bilang babala, ngunit tumanggi pa rin ang biktimang ibigay ang bag na naglalaman ng kinita sa buong araw.
Maya-maya ay pinaputukan na ng suspek sa ulo si Bautista at sumibat tangay ang slingbag.
Nagtamo ng tama sa leeg si Ramos na kritikal ang lagay sa ospital.
Pinaghahanap na ng pulisya ang hindi pa natutukoy na suspek.
-
Concepcion, tinapik ang health, economic experts bilang advisory group na gabayan ang pribadong sektor
TINAPIK ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang health at economic experts bilang mga advisory group na gabayan ang pribadong sektor habang ang bansa ay kumikilos tungo sa pagiging normal matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic. Sa katunayan, sinabi ni Concepcion na may nakatakda siyang pagpupulong kasama ang mga eksperto sa larangan […]
-
Rider timbog sa baril-barilan at shabu sa Valenzuela
Kulong ang isang 44-anyos na rider matapos makuhanan ng baril-barilan at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Airsoft pistol/ illegal possesion of firearm), paglabag sa RA 9165 at Art 151 of RPC (Disobedience) ang […]
-
Pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tutugis sa mga nagmamanipula sa presyo ng mga meat products
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tututok sa isyu ng labis na pagtaas ng presyo ng mga ibinebentang karne ng baboy sa mga pamilihan. Ito rin ang tutugis at mag-iimbestiga sa mga hinihinalang nagmamanipula sa suplay at presyo ng mga meat products sa bansa. […]