• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinupad ang pangakong fully committed sa pagiging mistress at kontrabida: LIANNE, na-single out ni Direk LAURICE sa mahusay na pagganap

IKINATUWA ng award-winning director na si Laurice Guillen ang mahusay na performance ng buong cast ng GMA teleserye na Apoy Sa Langit.

 

 

 

Na-single out ni Direk Laurice ang pagganap bilang Stella ng Kapuso actress na si Lianne Valentin. Tinupad daw nito ang pangako na fully committed siya sa kanyang role bilang isang mistress at kontrabida.

 

 

 

“Wala siyang kaartehan. Kapag sinabing jump, jump! Ang bilis ng pag-rise niya, because she is completely committed,” sey ni Direk Laurice.

 

 

 

Noong una raw ay medyo pinagdudahan ni Direk Laurice kung kakayanin ba ni Lianne ang mga eksena nito with Zoren Legaspi. Kung hindi raw nito kaya ay puwede silang kumuha ng ibang artista. Pero nag-commit daw si Lianne at ginulat nito ang lahat sa walang kiyemeng pag-arte niya.

 

 

 

Kaya naman sunud-sunod ang pag-trend ng mga maiinit na episodes ng Apoy Sa Langit. Hindi rin ito natitinag sa pagiging number one sa kanyang timeslot sa hapon.

 

 

 

Nababasa naman daw ni Lianne ang mga comments sa kanya sa social media. Hindi raw siya nagagalit dahil ang character niyang si Stella ang kinaiinisan ng netizens.

 

 

 

“Grabe ‘yung inis nila. ‘Yung galit nila kay Stella. Happy din ako, kasi nagagawa ko ‘yung role ko as Stella, ibig sabihin effective,” sey pa ni Lianne sabay pasalamat sa naging guidance sa kanya ni Direk Laurice.

 

 

 

***

 

 

 

NAKATUTUWA lang isipin na ang dating child actor na si Nash Aguas ay naglilingkod na ngayon bilang Konsehal sa Cavite City.

 

Noong nakaraang Lunes ay nagsimula na si Nash sa kanyang unang araw bilang isang government official. Ito ang unang pagsabak ng former child and teen star sa politics at masuwerteng nanalo siya. Ikalawa pala sa rank sa mga tumakbo bilang councilor sa naturang probinsya.

 

 

 

“First session. Simula na ang trabaho. Our journey back to being a first class city starts today,” caption pa niya sa kanyang post sa Instagram.

 

 

 

Naalala namin ang balita noong unang magsabi si Nash na tatakbo siya bilang konsehal. Sa edad na 22 ay marami na kasing naipundar si Nash mula sa kanyang pagiging artista. Bukod sa sariling mga negosyo, may mga investment din daw si Nash sa real estate.

 

 

 

Nakapagtapos din daw ito ng BSBA Major in Marketing Management sa kolehiyo kaya malaki raw ang magiging impluwensya niya sa maraming kabataan.

 

 

 

“We really think Nash (Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas) can help us revive the former status of our city which is first-class. Through his reach, we can easily help Cavite City promote tourism assets. He will also be an inspiration to the Caviteño youth,” ayon sa partido ng aktor na Lakas–Christian Muslim Democrats party.

 

 

 

Si Nash ang unang winner ng Star Circle Kid Quest noong 2004. Naging parte siya ng kiddie show na Goin’ Bulilit at noong maging teenager na siya, lumabas siya sa mga teleserye na Luv U, Bagito, Lobo, May Bukas Pa, Tanging Yaman, Dahil May Isang Ikaw, Magkaribal, FPJ’s Ang Probinsyano, Doble Kara, The Good Son, A Soldier’s Heart at Huwag Kang Mangamba.

 

 

 

Ang kasalukuyang girlfriend ni Nash ay si Mika dela Cruz.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Resolusyon sa pagpapaliban ng implementasyon sa cashless toll payment hanggang Enero 1, 2021, pinagtibay ng komite

    Pinagtibay sa isang online na pagdinig ng House Committee on Transportation ang House Resolution 1367 na humihiling Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng cashless toll payments sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) System hanggang Enero 1, 2021.   Inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang resolusyon matapos na isulong […]

  • Ex-Sen. Marcos, Sen. Lacson, nakapaghain na ng CoC para sa presidential bid

    Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa pagkapangulo si dating Sen. Bongbong Marcos sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.     Kahapon nang inanunsiyo niyang kakandidato sa pagkapangulo sa 2022 elections.     Kasama rin sa mga naghain ng CoC ngayong araw sina Sen. Ping Lacson na tumatakbong presidente at ka-tandem […]

  • LAOGAN, BAGONG DEPUTY COMMISSIONER NG BI

    ITINALAGA sa Bureau of Immigration (BI) si Daniel Y. Laogan bilang bagong Deputy Commissioner.     Si Laogan na isang Abogado by profession ay nagtapos ng Commerce mula sa University of Sto Tomas (UST), kumuha rin ito ng Master of Science in Commerce sa nasabi ring unibersidad at nagtapos ng Abogasya sa Ateneo de Manila […]