• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TIPID TUBIG

NAGBABALA ang Maynilad at Manila Water sa kanilang customers na magkakaroon ng water interruption sa paparating na mga araw dahil sa pa-tuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan at maging sa La Mesa Dam sa Quezon City. Patuloy rin ang pagbaba ng level ng tubig sa Ipo Dam. Kaya ang payo ng dalawang water concessionaires, magtipid sa paggamit ng tubig.

 

Nagpahayag na noon ang dalawang water concessionaires na maaaring magpatupad sila ng rotational service interruptions. Sabi nila gagawin ito para hindi agad maubos ang tubig at umabot hanggang sa summer ng 2020.
At mukhang tama ang kanilang sinabi sapagkat ngayon pa lang, pababa pa nang pababa ang level ng tubig sa mga dam. Malabo nang magkaroon pa ng pag-ulan at hindi na maabot ng Angat Dam ang target na 212 masl.

 

Bagama’t may mga dumaang bagyo sa bansa noong Nobyembre at Disyembre ng nakaraang taon, hindi nakasapat para mapuno ang dam. Kahapon, may namataang low pressure sa Mindanao pero ayon sa PAGASA, malabo itong maging bagyo.

 

Kung magpapatuloy pa sa pagbaba ng level ang tubig sa mga dam, talagang makakaranas ng kawalan ng tubig ang mga lugar na sinusuplayan ng Maynilad at Manila Water. At maaaring maulit ang senaryo noong nakaraang Marso na maraming residente ang nawalan ng suplay ng tubig.

 

Ang pagtitipid at paghihinay-hinay sa paggamit ng tubig ang nararapat gawin ng mamamayan. Bawasan ang paggamit na kadalasang natatapon lamang. Hindi dapat mag-aksaya sapagkat walang ibang kawawa sa dakong huli kundi ang mamamayan na rin mismo. Pangunahan naman ng pamahalaan ang pagtitipid sa paggamit ng tubig. Inspeksiyunin naman ng Maynilad at Manila Water ang mga tubo na may leak at nasasayang ang tubig.

Other News
  • Dream come true na mapasama sa docu-series ng ’24 Oras’: TV heartthrob na si ANJO, puwede nang sumunod sa yapak ni ATOM

    DREAM come true para kay sa GMA weatheman-turned-TV heartthrob na si Anjo Pertierra nang maging parte siya ng documentary series para sa 24 Oras.     Puwede na ngang sumunod si Anjo sa yapak ni Atom Araullo na isang award-winning documentaries na pang heartthob din ang image.   Mahilig daw talaga ang ‘Unang Hirit’ host […]

  • Ikinuwento ang pinagdaanan sa pagpapa-slim… MOIRA, inaming tulog at pusa ang ilan sa mga nagpapasaya sa kanya

    TINANONG namin sina Buboy Villar, Kokoy de Santos at Mikael Daez kung ano ang pinakamaganda o memorable nilang karanasan nang nag-shoot sila ng second season ng ‘Running Man Philippines’ sa South Korea kamakailan.   Lahad ni Buboy, “Actually ang magandang memory po namin doon ay yung meron kaming mga guests. Kasi hindi po namin in-expect […]

  • Salamat sa P128-B pondo para sa PNP Revitalization & Capability Enhancement Program

    Lubos na nagpasalamat si PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagtiyak ng mga mambabatas na maipasa ang P128-B Revitalization and Capability Enhancement Program.     Ito ang inihayag ni Eleazar sa kaniyang pagdalo sa pagdinig sa Committee on Public Order and Safety ng Kongreso kung saan inaprubahan ang Revitalization and Capability Enhancement […]