Tiu Laurel, ipinag-utos sa BFAR na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng Bataan oil spill
- Published on August 2, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), araw ng Miyerkules na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill mula sa tumaob na motor tanker na Terra Nova sa Bataan.
Sinabi ni Tiu Laurel , kasalukuyan na ngayong Ina-assess ng BFAR ang mga nasirang lugar upang madetermina ang uri at lawak ng tulong na ipagkakaloob sa mga apektadong mangingisda.
Nakipag-ugnayan na ang BFAR sa third-party laboratories para suriin ang water samples sa paligid ng tumaob na motor tanker para madetrmina ang presensiya ng langis at grasa, kabilang na ang mapaminsalang contaminants gaya ng polycyclic aromatic hydrocarbons.
“For now, we can only give fuel vouchers so fishermen can go to nearby fishing grounds,” ayon kay Tiu Laurel.
“I also asked BFAR to coordinate with DSWD (Department of Social Welfare and Development) so the agency can also give food packs to affected fisherfolk,”dagdag na pahayag nito.
Tinuran pa n Kalihim na magbibigay din ang BFAR ng dispersants para makatulong na maayos ang tumagas na langis mula sa MT Terranova, lumubog sa may Bataan noong Hulyo 25.
Ang MT Terranova ay may kargang 1.4 million litro ng industrial fuel nang ito’y tumaob. (Daris Jose)
-
Construction worker timbog sa 328 grams marijuana
Swak sa kulungan ang isang construction worker matapos makuhanan ng tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Paolo Reyes alyas Amping, 21, ng Ignacio […]
-
MARAMING MGA TANONG at HAKA-HAKA ang TAUMBYAN TUNGKOL sa mga PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS (PMVIC)!
NAKARATING sa LAWYERS COMMUTERS SAFETY and PROTECTION (LCSP) ang ilan sa mga ito at gusto natin i-post dito ang mga damdamin at saloobin ng tao tungkol dito, dahil kailangan malaman ng taumbayan kung ano ba talaga itong PMVIC na ito: Saan nagmula ito? Solution ba talaga ito para raw bumaba ang aksidente sa lansangan? Napag-aralan […]
-
3 most wanted persons nabitag ng Valenzuela police
NALAMBAT ng pulisya ang tatlong most wanted persons sa ikinasang manhunt operations sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-12:30 ng tanghali ng February 27, nang maaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS at Northern NCR […]