Tiyak na nagdiwang ang kanilang mga fans: JULIE ANNE, nag-‘i love you too’ na kay RAYVER sa kanilang concert
- Published on November 28, 2022
- by @peoplesbalita
TIYAK na nagdiwang ang mga fans nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Hunk Rayver Cruz sa kaganapan sa concert nilang “JulieVerse” last Saturday, November 26, 2022 sa Newport Performing Arts Theater.
Post ng Sparkle GMA Artist Center ang pagsagot ni Julie Anne ng “I love you, too” kay Rayver: Julie pens a sweet message for Rayver Cruz at tonight’s #JulieVerse concert! Sabay-sabay na tayong kiligin!
Dagdag pa rin ng Sparkle: “Post-concert sepanx is real. We don’t want to leave the #JulieVerse
Tanong din ng mga fans: “official na raw ba ang sagot ni Julie kay Rayver? Wait na lang daw tayo ng sagot nina Julie at Rayver.”
Anyway, malamang pabalik na rin si Julie sa lock-in taping nila ng historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra,” nila nina Dennis Trillo, Barbie Forteza, David Licauco, Rocco Nacino, Juancho
Trivino at Tirso Cruz III, na pansamantala muna niyang iniwan para mag-concentrate sa rehearsals at actual concert nila ni Rayver.
Napapanood naman ito gabi-gabi, 8PM, pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA-7.
***
ANYDAY now ay magsisimula na palang mag-shooting si Director Darryl Yap ng prequel ng first movie niyang ginawa for Via Films, ang “Maid in Malacanang.”
Titled “Martyr or Murderer” gagampanan pa rin ito ni Cesar Montano as the former President Ferdinand E. Marcos. Si former Manila Mayor Isko Moreno naman ang final choice to play the role of former Senator Benigno Aquino. Napili na rin ni Direk Darryy na gaganap bilang young Ferdinand E. Marcos ang actor na si Marco Gumabao at gaganap namang young Benigno Aquino si Jerome Ponce.
Naging controversial noon si Jerome na gumanap sa “Katips,” ang movie na dinirek ni Vince Tanada, na ipinalabas kasay ng “MiM” na nakita siayng nanood ng kalaban nilang movie. May mga lumabas nang photos nina Marco at Jerome ng roles na gagampanan nila at kitang may hawig nga sila sa ipu-portray nilang characters.
Wala pa nga raw lamang nakukuha si Direk Darryl na gaganap sa role ng mga batang Imelda Marcos at Cory Aquino. This December na nga magsisimula ang shooting dahil naka-schedule raw nila itong ipalabas in time sa celebration ng People Power Anniverary on February 25, 2023.
Meanwhile, naka-schedule na ring mapanood sa Netflix ang “Maid in Malacanang” sa February 2023.
(NORA V. CALDERON)
-
PCG personnel, libreng makakasakay sa LRT-2
MAGANDANG balita para sa mga Commissioned officers, enlisted personnel at civilian employees ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil mae-enjoy na ng mga ito ang libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Sa isang Facebook post sinabi ng PCG na ang libreng sakay ay bahagi ng memorandum of agreement (MOA) na pinirnahan […]
-
TAGLE ITINALAGA NG VATICAN
ITINALAGA ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle sa ibang posisyon, sa pagkakataong ito bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments. Iniulat ng Radio Veritas na ginawa ng Vatican ang appointment sa publiko noong Hunyo 1 kaugnay ng anunsyo sa iba pang mga obispo na bahagi […]
-
Panalo ni Mayor Lacuna Kasabay ng Ika-450 Taong Araw ng Maynila
KASABAY ng pagdiriwang ng ika-450 taon anibersaryo ng pagkakatatag sa lungsod ng Maynila ay ang pag-upo ng kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa kabisera ng bansa. Si Vice Mayor at Mayor elect Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, na kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa lungsod ng Maynila ay magsisimulang manungkulan sa […]