Toby Tiangco sa MMDA, talakayin ang legal action sa pinsala ng floodgate
- Published on July 26, 2024
- by @peoplesbalita
HINILING ni Navotas Representative Toby Tiangco ang legal na aksyon laban sa kompanyang responsable sa pagkasira ng Tangos-Tanza Navigational Gate, kung saan binibigyang-diin ang agarang pangangailangan para sa pananagutan.
Aniya, kung gumagana ang flood gate ay maaaring makontrol ng 81 pumping stations ng pamahalaang lungsod ang pagbaha. “In fact, during Ondoy, flooding was controlled even if we only had 24 bombastik stations at that time.” dagdag niya.
Sinabi pa niya na mahigpit siyang nakikipag-ugnayan sa MMDA, ang ahensyang may hurisdiksyon sa pagsasampa ng kaso laban sa responsableng kumpanya. Desidido siyang tiyaking mananagot ang may-ari ng bangka at tagboat na may kasalanan.
“Napalaking perwisyo ang idinulot ng pagkasira ng floodgate dahil ito ang humaharang sa pagpasok ng tubig kapag high tide. Hindi sana nahihirapan ang mga Navoteño ngayon kung hindi nasira ang floodgate, dahil kakayanin ng 81 pumping stations na makontrol ang taas ng baha. Mas malala pa nga ang sitwasyon noong bagyong Ondoy, pero kontrolado ng Navotas LGU ang baha kahit na mas konti pa ang pumping stations,” ani Tiangco.
“We’re studying the legal options available to make those responsible for the damage of the navigational gate accountable. Ang iniisip natin dito ay ‘yong mga pamilyang Navoteño na binaha dahil sa pagkasira ng floodgate. Hindi biro ang dinaranas nila ngayon kaya kailangan din makipag-usap muli sa MMDA para malaman anong kaso ang maaaring isampa,” dagdag niya.
Nasira ang floodgate matapos bumangga dito ang isang vessel na hinahatak ng tugboats, na nagresulta ng pagbaha sa Navotas.
“Yong pagpilit na hilahin ang barko ng tugboats pagkatapos mabangga ang floodgate, kahit pinipigilan na sila ng mga personnel ng floodgate, hindi aksidente ‘yon,” giit niya.
Binigyang-diin ni Tiangco na nakontrol na ang pagbaha sa Navotas mula nang magtayo ang pamahalaang lungsod ng bombastik pumping stations, na nasa 81 na at humihigop ng tubig sa panahon ng malakas na pag-ulan at high tide.
“Patuloy po ang pag operate ng mga Bombastik Pumping Stations para mabilis na mapahupa ang tubig na nakakapasok sa ating lugar, ngunit hindi nito kaya pag walang pumipigil sa pagpasok ng tubig-dagat,” sabi ni Tiangco.
Ayon pa sa kanya, patuloy naman ang tulong na ibinibigay ng pamahalaan ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco sa mga apektadong residente ng pagbaha.
Ang mga residente na nangangailangan ng tulong, maari aniya makipag-ugnayan sa emergency hotlinr ng lungsod sa 8281-1111 at TXT JRT numbers 0917-521-8578 para sa Globe, 0908-886-8578 para sa Smart at 0922-888-8578 para sa Sun subscribers. (Richard Mesa)
-
SHARON, may bonggang birthday message kay Rep. VILMA; role sa ‘FPJAP’ posibleng may kaugnayan kina JULIA at ROWELL
BILANG certified Vilmanian, hindi talaga puwedeng hindi babatiin ni Megastar Sharon Cuneta ang nag-iisang Star For All Seasons at Lipa City Representative na si Vilma Santos-Recto na nag-celebrate ng 68th birthday noong November 3. Pinost ni Sharon sa kanyang Instagram ang birthday message kalakip ng old photo ni Ate Vi, “Recently I saw […]
-
BIG-SCREEN SPECTACLE “WONKA,” IS “THE PERFECT CHRISTMAS MOVIE,” SAYS DIRECTOR PAUL KING
WHEN director Paul King, known for the family-favorite Paddington movies, was a child, one of the first books he read was Charlie and the Chocolate Factory by beloved children’s book author Roald Dahl. “I loved Charlie and the Chocolate Factory,” says King. “I read it again and again until the pages fell out of the cover. I remember loving the […]
-
Naging favorite ang character niya sa ‘Black Rider’: YASSI, nag-enjoy at gusto ulit makatrabaho si RURU
NAGING paboritong character ni Yassi Pressman si Bane/Vanessa dahil sa mala-roller coaster na pinagdaanaan ng character nito sa GMA actionserye na “Black Rider.” “There’s just so many emotions din po para sa isang taong nagkaron ng amnesia na hindi ko rin na-portray noon. Hinahanap niya po kung sino siya at kung ano ‘yung mga experiences […]