• April 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TODA Pasabuy System pinalawak ng Valenzuela at Foodpanda

PINALAWAK ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang tulong pangkabuhayan sa mga tricycle drivers at operators matapos lumagda ito sa isang Memorandum of Agreement (MOA), kasama ang Food Panda Philippines Incorporated (FPPI).

 

Sa pamamagitan ng pasabay system na itinatag sa lungsod upang mabuksan ang mga oportunidad ng pangkabuhayan para sa mga Tricycle Operator at Drivers ‘Associations (TODAs), ang bagong pakikipagsosyo ay magbibigay ng karagdagang paraan para sa mga tricycle driver na ma-maximize ang online food delivery services upang matulungan ang mga units ng pamahalaang lokal sa panahon ng COVID-19 pandemya.

 

Isa ang Foodpanda sa pinakatanyag na online food delivery apps sa Pilipinas na nagpasimula ng pandaTODA bilang isang Corporate Social Advocacy (CSA) para suportahan ang mga lokal na komunidad sa pagtiyak na ang mga kasosyo sa restaurants ay mas magagamit at naa-access, habang nagbibigay din ng alternatibong paraan ng pamumuhay sa mga tricycle drivers na apektado ng community quarantine sa pampublikong transportasyon.

 

Ang operasyon ng mga tricycle sa lungsod ay nabawasan kasunod ng itinakdang mini- mum health standards ng Inter- Agency Task Force para sa Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ang mga tricycle driver na hindi pinapayagan pumasada ay maaaring mag-operate bilang isang pandaTODA rider.

 

Ang mga kwalipikadong driver na sinala at tinukoy ng Public Employment Service Office – Local Economic Investment Promotions Office (PESO- LEIPO) at Public Order and Safety Group (POSG) ng lungsod ay sasailalim sa oryentasyon. 150 na mga drayber beneficiary ang sasanayin na maging opisyal na rider ng pandaTODA.

 

“This is an instruction of the new normal since it is not advisable anymore that we go to restaurants but rather to avail of the services of the restaurant. We bring it [food] to them [people]. We know that foodpanda’s partnership with different restaurants is of a large scale, this is a proof that we can help our Micro, Small and Medium Enterprises here in Valenzuela.” Ani Mayor Rex Gatchalian.

 

“Magiging bahagi sila [TODAs] ng delivery system, so again sa mga TODA natin dagdag ito sa hanapbuhay ng mga driver natin. So at least parami nang parami ‘yung partner natin, parami ng parami yung pwedeng pagkaabalahan ng ating mga driver sa kanilang downtime (The TODAs will be part of the delivery system, so again this is an additional livelihood for our drivers. At least we have more partners now and the drivers have more options to earn a living during their down- time),” dagdag ni Mayor REX. (Richard Mesa)

Other News
  • Thankful kay Direk Ruel na pinayagang mag-audition: GLAIZA, ‘di inakala na tatagal nang dalawang dekada sa showbiz

    HINDI nga raw inakala ni Glaiza de Castro na tatagal siya nang dalawang dekada sa showbiz at ang pangako niya na makatulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagpasok sa showbiz ay natupad niya.     Nagsimula si Glaiza sa 2001 film na ‘Cool Dudes 24/7’. Muntik na raw siyang hindi mapasama sa movie dahil […]

  • DEV PATEL IS “NOT ONLY A GIFTED ACTOR, BUT ALSO ONE HELL OF A MARTIAL ARTIST,” SAYS “MONKEY MAN” FIGHT COORDINATOR

    DEV Patel got into impeccable shape and trained rigorously for his passion project, the action thriller “Monkey Man,” which the Oscar® nominated actor (“Lion,” ”Slumdog Millionaire”) also wrote and stars in.       “Dev is one of the hardest working filmmakers I ever worked with,” says fight coordinator Brahim Chab (“The Foreigner”). “He would come to […]

  • Buwan ng Setyembre, idineklarang ‘Social Protection Month’

    IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang buwan ng Setyembr ng bawat taon bilang Social Protection Month. Layon nito na itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan nito. Sa katunayan, nagpalabas si Pangulong Marcos ng Proclamation 820, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Marso 6, at isinapubliko, araw ng Martes, inatasan ang Social […]