Toktok rider, 1 pa nadamba sa buy bust sa Valenzuela
- Published on May 17, 2021
- by @peoplesbalita
SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga kabilang ang isang Toktok deliver rider matapos matimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong alas-5:45 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa P/Col. Ramchrisen Haveria Jr sa Gen. T De Leon Road, Brgy. Gen T. De Leon kontra kay Ronquel Andy Beltran alyas “Oneng”, 32 ng 35 Pinagpala St., Serrano Subd., Marulas.
Nagpanggap na buyer ng iligal na droga si PCpl Dario Dehitta na nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P1,000 halaga ng shabu at nang tanggapin ni Beltran ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng drga ay agad lumapit ang back up na si PCpl Randy Canton at inaresto ito.
Narekober sa suspek ang apat nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000.00 ang halaga, buy-bust money, P280 cash, ID, driver’s license, sling bag, cellphone at Yamaha motorcycle.
Samantala, dakong 1:30 naman ng madaling araw nang madamba din ng kabilang team ng SDEU si Jayson Bernardo alyas “Itek”, 34, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu si PCpl Robbie Vasquez na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa bahay ng suspek sa 143 Bisig Road, Brgy. Bisig.
Ani SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, nasamsam kay Bernardo ang nasa 6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P40.800.00 ang halaga, buy-bust money, P200 cash, cellphone at kulay itim na coin purse. (Richard Mesa)
-
2023 FIBA World Cup plan inilatag ng SBP
PUSPUSAN na ang paghahanda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng prestihiyosong FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon. Inilatag ng SBP ang lahat ng plano nito para sa World Cup na gaganapin sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 kung saan makakatuwang […]
-
Ads August 25, 2022
-
AIKO, nagmukhang bata sa laki ng ipinayat at inakalang si MARTHENA sa kanyang post
ANG laki na ng pinayat ni Aiko Melendez, kaya naman isa ‘yun sa napansin ng netizens nang mag-post siya sa IG account na kung saan na-complete na ang kanyang bakuna. Caption niya, “2nd vaccine! Thank you Lord and to all the medical frontliners, volunteers. Dra Mariz Pecache for the assistance. Dra Fortun salamat […]