• June 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial, ibinulsa ang 3rd gold medal ng Phl sa boxing sa SEA Games

PANALO sa pamamagitan ng stoppage ang Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial laban sa East Timorese slugger Delio Anzaqeci sa unang round pa lamang ng kanilang pagharap sa 31st Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Bac Ninh Gymnasium.

 

 

Ginamit ni Marcial ang kanyang jab para i-set up ang kanyang kalaban para sa isang right hook na nagpabagsak sa East Timorese.

 

 

Dahil sa mga binitawang hooks ni Marcial ay dalawang beses na binilangan ng eight count ng referee si Anzaqeci sa parehong round.

 

 

Matapos ang ikalawang 8 count ng referee sa East Timorese ay itinigil na nito ang laban at ibinigay kay Marcial ang 5-0 win.

 

 

Ito na ang ika-apat na SEA Games overall gold medal ng boksingero.

 

 

Samantala, ang defending champion Rogen Ladon ay naibulsa rin ang first boxing gold medal sa bansa matapos talunim ang Vietnamese na si Tran van Thao.

 

 

Nasungkit din ni Ian Clark Bautista ang gold medal para sa men’s featherweight title matapos payukuin ang Myanmar opponent na si Naing Latt.

Other News
  • NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas

    NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pangunguna ng Public Employment Service Office, katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at ang Navotas Tripartite Industrial Peace Council ang 75 na profiled child laborers sa lungsod sa pamamagitan ng Project Angel Tree. Ani Mayor John Rey Tiangco, nag-uwi […]

  • Ads May 16, 2024

  • LTFRB: Pagbibigay ng prangkisa sa premium taxi, suspendido

    SINUSPINDE  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon at pagbibigay ng prangkisa sa mga premium taxis sa buong bansa dahil sa alegasyon na may illegal sa kanilang operasyon.     Noong Dec. 13 ay naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2022-080 na nagsusupinde sa pagbibigay ng prangkisa sa mga premium […]