Tokyo Olympics non-medalists may bonus din
- Published on August 7, 2021
- by @peoplesbalita
Maski ang mga miyembro ng Team Philippines na nabigong manalo ng medalya sa Tokyo Olympic Games ay may matatanggap na bonus.
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Bambol Tolentino sa pagbibigay nila ng tig-P500,000 sa mga Tokyo Olympics non-medalists.
Katulong ng POC sa paghahandog ng nasabing cash incentives ang MVP Sports Foundation ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan.
“Everyone on Team Philippines in these ‘Golden Olympics’ deserve all the praises, and in this case, incentives, they need,” sabi ni Tolentino. “Qualifying for the Olympics is already that difficult, what more competing in the Games themselves.”
Ang mga tatanggap ng tig-P500,000 mula sa POC at MVPSF ay sina gymnast Carlos Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena, boxer Irish Magno, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa, skateboarder Margielyn Didal, shooter Jayson Valdez, judoka Kiyomi Watanabe, weightlifter Elreen Ando, golfer Juvic Pagunsan, sprinter Kristina Knott at swimmers Remedy Rule at Luke Gebbie.
Ibinigay ni weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pinas matapos ang 97 taon nang magreyna sa women’s 55-kilogram division.
-
26-anyos na governor na pumalit kay DILG Sec. Remulla sa Cavite, nagsimula na ng trabaho
Agad sinimulan ni bagong Cavite Gov. Athena Tolentino ang kaniyang trabaho bilang pinuno ng kanilang lalawigan. Si Tolentino ay dating bise gobernador at umakyat bilang punong lalawigan makaraang mai-appoint ang dating gobernador na si DILG Sec. Jonvic Remulla. Sa edad na 26, si Gov. Athena ang pinakabata at unang babaeng gobernador […]
-
JACLYN, interesado rin na mag-audition sa Walt Disney Studios para sa hinahanap na Filipino lola
INTERESADO rin pala si Kapuso actress Jaclyn Jose na mag-audition para sa Walt Disney Studios, na naghahanap ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng project na gagawin nila. Sa interview kay Jaclyn last Tuesday evening sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras, naikuwento niya na gusto niyang mag-try “Nang malaman […]
-
Sales lady pinagsasaksak ng holdaper, todas
Nasawi ang isang sales lady matapos pagsasaksakin ng isang holdaper makaraang pumalag ang biktima sa panghoholdap ng suspek sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Maribeth Camilo-Goco, 47 ng 282 Gen. Luna St. Brgy. Baritan. […]