• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympics, posibleng tuluyan nang makansela dahil sa COVID-19

Posibleng tuluyan nang makansela ang Tokyo Olympics kung hindi pa rin maaagapan ang coronavirus sa buwan ng Mayo, ayon sa senior International Olympic Committee.

 

“In and around that time, I’d say folks are going to have to ask: ‘Is this under sufficient control that we can be confident about going to Tokyo or not?’” pahayag ni Dick Pound sa The Associated Press sa isang panayam.
Kung patuloy na magiging banta ang COVID-19, posible na itong hindi matuloy o ‘di kaya naman ay muling mailipat ng araw.

 

Nakatakda ang naturang laro sa July 24 hanggang Aug. 9.

 

Iginiit ni Pound na nasa 11,000 atleta mula sa 200 bansa ang inaasahang makilalahok sa Tokyo Olympics.
“As far as we all know, you’re going to be in Tokyo,” ani Pound.

 

“All indications are at this stage that it will be business as usual. So keep focused on your sport and be sure that the IOC is not going to send you into a pandemic situation.”

 

Sa kasaysayan, tatlong beses pa lang nakansela ang Olympics.

 

Isang beses noong World War 1 at dalawang beses naman noong World War II.

 

Huling hinawakan ng Tokyo ang Summer Olympics noong 1964.

Other News
  • MICHAEL CINCO, na-imbiyerna at binanatan ang glam team ni Miss Universe Canada NOVA STEVENS sa pagkakalat ng ‘fake news’

    IMBIYERNA ang Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco sa pinakakalat na fake news ng glam team ni Miss Universe Canada Nova Stevens.     Sinisi ng naturang team si Cinco kaya hindi nakapasok sa Top 21 semi-finalist ang kanilang representative sa Miss Universe 2020. Pinapalabas ng Canadian team na sinabotahe raw ni Cinco […]

  • Mega quarantine facilities para sa COVID-19 cases nasa ‘danger zone’ na – DOH

    Nasa warning zone na rin daw ang estado ng bed capacity sa mga temporary treatment and monitoring facilities sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).   Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, katumbas ito ng 30 hanggang 70-percent occupancy rate sa kama ng naturang mga pasilidad na hawak ng local government units.   […]

  • FAN-LESS GAMES, LEBRON BOYKOT SA NBA

    BINABALAK ng NBA na magkaroon ng ilang laro na hindi magpapapasok ng mga fan sa game venue upang maiwasan ang pagkahawa sa nakamamatay na coronavirus.   Hindi sang-ayon dito si NBA Lakers supertstar LeBron James na maglalaro sila ng walang fans na nanonood dahil sa banta ng coronavirus o COVID19.   “We play games without […]