Tolentino kumpiyansa sa tsansa ng mga Pinoy athletes sa Olympic gold
- Published on May 28, 2021
- by @peoplesbalita
Naniniwala ang Philippine Olympic Committee (POC) na ito na ang pagkakataon para makamit ng bansa ang inaasam na kauna-unahang gold medal sa Olympic Games.
Ito ay sa kabila ng ilang panawagan na ipagpaliban muli ang Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan dahil sa paglobo ng kaso ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa nasabing bansa.
“Ito na iyong malaking chance natin na magka-first gold medal tayo sa Olympics, bakit naman ako aayon sa gusto na i-cancel?” ani POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
Kasalukuyang nasa state of emergency ang Tokyo at iba pang siyudad ng Japan dahil sa COVID-19 surge na inaasahang papalawigin hanggang Hunyo 20.
Sa inilabas na editorial ng Japanese newspaper na Asahi Shimbun ay hiniling nito kay Prime Minister Yoshihide Suga na “make a calm, objective assessment of the situation and make the decision to cancel this summer’s Olympics”.
Nakakuha na ng Olympic berth sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist at weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.
-
PRESIDING JUDGE SIBAK SANA KUNDI NAGRETIRO
NAISALBA ng pagreretiro ng isang presiding judge ang sanay pagkakatanggal nito sa trabaho matapos mapatunayang guilty sa kasong Gross Inefficiency and Gross Ignorance of the law dahil sa pagkabigo niya na desisyunan ang ilang kaso na nasa kanyang sala. Sa kabila na retirado na, nagpalabas pa rin ang Supreme Court ng per curiam resolution […]
-
Rep. Teves, iniimbestigahan na sa Degamo slay
ISINASAMA na sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. ukol sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo. Sinabi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin sa isang panayam ang posibleng pagkakasangkot ng mambabatas. “We are […]
-
Online Registration, pinalawig ng Comelec
INANUNSIYO ng Commission on Elections (Comelec) na mas pinalawig pa ang online filing ng aplikasyon para sa reactivation. Ayon sa Comelec , napagpasyahan ng Comelec en banc na palawigin ito hanggang Setyembre 25, limang araw bago ang itinakda namang deadline ng voter registration para sa 2025 midterm elections. Ang orihinal na deadline […]