• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tolentino na gbabu na sa Ateneo at UAAP

KAKAYOD na para sa Choco Mucho Flying Titans ng Premier Volleyball League (PVL) na magbubukas sa Abril si Fil-Canadian Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino na nakalabas na sa 14 araw na quarantine at nasa bansa na buhat sa Canada.

 

 

Kinansela ang 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019-20 sa nakalipas na Marso sanhi ng Covid-19 kaya nagbalik sa Vancouver ang 25-year-old, 6-foot-2 Ateneo Queen Eagle makasama ang pamilya.

 

 

Lunes, Enero 18 ng gabi, lumabas siya buhat sa sa 14-day quarantine at ang kapatid na kasabay na bumalik dto na si Philippine Basketball Association (PBA) Vince Tolentino ng Rain or Shine.

 

 

Pinasya niyang mag-pro (PVL) at iwanan ang isang taong alok na liga na papaglaruin pa ang mga ‘super senior’, pero hindi na rin matutuloy ang pagdaraos ng 83rd UAAP 2020-21 bunga pa rin ng pandemya. (REC)

Other News
  • Pilipinas at China, walang tensyon sa WPS

    SA KABILA ng incursions at mga protesta, iginiit ng Malakanyang na walang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa usapin ng West Philippines Sea.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang tensyon ay nasa isip lang ng mga kritiko ng administrasyon partikular na ng oposisyon.   “Wala akong nakikitang tension. Ang tension […]

  • Mga canned sardines manufacturers, nais ang P3 na price hike

    INIHIRIT ng mga manufacturers ng canned sardines ang P3.00 na price adjustment sa kanilang produkto dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel, paghina ng piso, at pagtaas ng presyo ng mga imported na lata na ginagamit sa paggawa ng mga lata.     Sinabi ni Canned Sardines Manufacturers Association of the Philippines executive director Francisco […]

  • Chinese vessels sa West PH Sea lalo pang dumami, umaabot na sa 240 barko – Task Force

    Mas lalo pa umanong dumami ang mga barko ng Chinese na nakapaligid sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.     Batay sa latest maritime at sovereignty patrols na isinagawa noong April 11, 2021 nasa 240 Chinese vessels ang nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea sa karagatang sakop ng bansa.     […]