Tolentino suportado ang mga manlalaro
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
POSITIBO si Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano na isa ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakatulong sa Pilipinong atleta sa ilalim ng bagong termino ng pamumuno ni Cavite Eight Distriuct Rep. Abraham Tolentino.
“Ang kanyang muling pagkapanalo ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng vote of confidence sa mga lider ng bawat national sports associations (NSAs) sa isang progresibong lider na mas tutugon sa kanilang pangangailangan,” ani Cayetano nitong isang araw.
Ginanap ang POC elections noong Nobyembre 27 sa Parañaque City kung saan nahalal sa ikalawang pagkakataon si Tolentino bilang pangulo ng pribadong organisasyon.
Pinapurihan ng mambabatas ang pagiging epektibo at inspirasyon ang istilo ng liderato ni Tolentino na nakatulong na aniya upang maging isang malaking tagumpay ang Philippine 30th Southeast Asian Games 2019.
Ayon pa sa cahirman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), malaki ang naging ambag ni Tolentino sa muling pagkapanalo ng Pilipinas sa nasabing paligsahan na ginaganap tuwing ikalawang taon.
“Umaasa kaming ang pamunuan ng POC ay patuloy na bibigyan ng inspirasyon at nararapat na suporta ang ating mga atleta lalo tuwing nasa kompetisyon,” wakas ni Cayetano. (REC)
-
Naka-move on na sa pagkatalo sa ‘Miss Universe’: CELESTE, mas gusto na maging kontrabida sa TV at pelikula
ANG maging kontrabida ang siyang gustong gawin ng bagong Sparkle artists na si Celeste Cortesi. Ayon ng former Miss Universe Philippines 2022, mas mukha raw mag-enjoy siya sa pagganap bilang kontrabida sa TV o pelikula. Kaya gusto raw niyang mag-acting workshop para mas marami siyang malaman sa pag-arte. Inamin […]
-
Alert level 3 itinaas ng DFA sa sitwasyon sa Lebanon
DAHIL sa patuloy na kuguluhan sa pagitan ng Israel at mga katabing bansa, itinaas na sa Alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Lebanon. Nangangahulugan ito, ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na maaari na ang voluntary repatriation sa mga Pinoy para maiwasan na maipit sa bakbakan […]
-
EJ pumirma sa NXLED
MULA sa Chery Tiggo ay lumipat si EJ Laure sa Nxled sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference. Muling sasabak sa aksyon si Laure sa pagsagupa ng Chameleons sa Crossovers ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng PLDT High Speed Hitters at Capital1 Solar Spikers sa alas-4 ng hapon sa […]