Tolentino, tatayong legal counsel ni Dela Rosa sa ICC probe
- Published on March 31, 2023
- by @peoplesbalita
MAGSISILBING abogado ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa lahat ng proceedings na may kinalaman sa International Criminal Court (ICC) investigation si Sen. Francis Tolentino.
Ito ay kaugnay pa rin sa ginagawang imbestigasyon ng ICC tungkol sa drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte kung saan si Dela Rosa noon ang hepe ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni Tolentino sa isang zoom interview, na tinanggap na niya ang panukala ni Dela Rosa para maging abogado niya.
Ang pangunahing tungkulin umano ni Tolentino ay protektahan si Dela Rosa hindi lamang sa loob ng ICC dahil iginigiit nila na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas kundi maging sa lokal.
Sa sandaling humantong na umano sa ganoong sitwasyon ay inihahanda na rin umano ni Tolentino ang lahat ng dokumento para sa proper accreditation bilang abogado ni Dela Rosa.
Magpapadala rin umano si Tolentino ng liham kay Senate President Juan Miguel para magkaroon siya ng exemption mula sa rule na ang isang incumbent officials ay bawal mag-practice ng kanilang propesyon.
Inihayag din ni Tolentino na iimbitahan niya si Kamir Khan, ICC prosecutor, sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and human rights na layong depensahan si dating pangulong Duterte mula sa imbestigasyon ng international tribunal. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Rome Marathon, kanselado vs coronavirus scare
KINANSELA na rin ang malaking marathon sa Italy dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa nasabing bansa. Sa pinakahuling datos, umabot na sa 148 ang patay dahil sa coronavirus sa Italy at mahigit 3,200 naman ang nadapuan ng sakit. Sa panayam kay Jeff Lagos mula sa Rome, […]
-
BIR, nakapagsampa ng 84 tax evasion cases sa 1st half ng 2021
Aabot sa P3.15 billion tax liabilities ang inaasahang makokolekta ng gobyerno, kapag natapos ang paghahabol sa 84 na sinampahan ng kaso sa first half ng taong 2021. Iniulat din ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may 274 firms silang naipasara, para mabawi ang P1.014 billion unpaid taxes. aliban sa mga […]
-
YUL SERVO, MANUNUNGKULAN BILANG MAYOR NG MAYNILA
PANSAMANTALANG manunungkulan bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto dahil sa pagdalo ni Mayor Honey Lacuna-Pangan sa C4 World Mayors Summit na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina. Ayon kay Acting Mayor Yul Servo, ibinilin nito sa kanya ang pagpapanatili ng maayos, malinis at tapat nilang paghahatid […]