• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Toll Holiday sa Cavitex simula sa July 1

ALINSUNOD sa ipinag-utos  ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos ay inaprub na ng Toll Regulatory Board ang resolusyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na magkaroon ng 30 day free passage sa mga tollways  ng Cavitex.
Ibig sabihin mula July 1 hanggang July 30 2024 ay nakataas ang mga barriers sa mga toll booths kaya hindi mababawasan ang RFID load ng mga motorista at walang sisingilin sa mga cashlanes.
Ipatutupad ito ng PEA Toll Corporation bilang operator  ng cavitex.
Ang CAVITEX ay ang nagiisang tollways na 100 percent pag-aari ng pamahalaan.
Ang CIC naman ang in charge sa infrastructure development at financing.
Ipinakita ni Pangulong  BBM na sa Bagong Pilipinas ay una ang taong bayan. Bagamat kinikilala ng administrasyon ang kahalagahan ng private sector sa mga proyekto na kasama ng pamahalaan- interes pa rin ng taumbayan ang una sa puso ni BBM.
Pinasasalamatan din ni PRA Chairman Atty. Alex Lopez ang lokal na pamahalaan ng Cavite sa pangunguna ni Gov. Jonvic Remulla at si Senator Bong Revilla sa kanilang mga suporta.
Tinatayang higit sa 170,000 na mga vehicle passages ang maililibre ng toll holiday na daan daang libong pasahero ang sakay.
Other News
  • Ads February 6, 2024

  • Ilang kaso ng UK variant at South African variant naitala sa Navotas

    Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na may sampung kumpirmadong kaso ng B.1.1.7. o UK variant ng COVID-19 sa lungsod at isa naman ang merong B.1.351 o South African variant, ayon sa pinakahuling report ng Department of Health.     Ayon kay Tiangco, kabilang sa mga barangay na may ganitong mga kaso ang Brgy. […]

  • Sistema ng katarungan sa bansa, gumagana

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagana ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.     Binigyang halimbawa nito ang ginawang pagbasura ng Muntinlupa Regional Trial Court sa ikatlo at huling drug case ni dating Senadora Leila de Lima matapos ang pitong taon mula nang sampahan ang mambabatas ng kaso.     ”Well maybe this […]