• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Toll increase sa CAVITEx pinagpaliban

PINAGPALIBAN  ng Cavitex Infrastructure Corp (CIC) na isang subsdiary ng Metro Pacific Tollways Corp. at ang joint venture partner na Philippine Reclamation Authority (PRA) ang pagtataas ng toll sa Cavitex.

 

 

Gagawin ang pagtataas sa darating na May 22 na dapat sana ay sa May 12 upang bigyan ng pagkakataon ang mga pampublikong drivers at operators ng mga utility vehicles upang magparehistro muna sila sa “toll reprieve program” kung saan sila ay patuloy na mabibigyan ng dating toll rates sa ilalim ng rebate program.

 

 

“All PUV operators and drivers have to do is enroll their account to the program in coordination with their transport organizations,” wika ng CIC.

 

 

Magpapatuloy ang rebate program sa loob ng 90 na araw simula sa unang araw ng pagpapatupad ng bagong toll rates sa Cavitex.

 

 

Simula sa May 22, ang toll rate para sa Class1 na gagamit ng CAVITEX R-1 segment na simula sa Cavitex – Longos, Bacoor papuntang MIA Exit at vice versa ay magbabayad ng P33 mula sa dating P25. P67 naman ang ipapataw sa mga Class 2 na sasakyan mula sa dating P50 habang ang Class 3 naman ay magbabayad ng P100 mula sa dating P75.

 

 

“The new rates are inclusive of the 2011 and 2014 periodic toll petitions as well as add-on toll petition for enhancement works along the expressway, including bridge lane widening works,” saad ng CIC.

 

 

Kasama sa ginawang enhancements ay ang completion ng asphalt overlay sa kahabaan ng Cavitex, paglalagay ng Pacific flyover, left turn facility at bridge widening at ang pagsasagawa ng regular maintenance works upang masiguro ang road quality at safety ng mga motorista.

 

 

Ang CIC ay siyang concessionaire para sa Cavitex kasama sa isang joint venture ang Philippine Reclamation Authority (PRA). LASACMAR

Other News
  • Vietnam SEA Games organizers todo kayod para matapos ang mga playing venues

    NATAPOS na ng Vietnam ang mga playing venues mahigit 40 araw sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games.     Dahil aniya sa epekto ng COVID-19 pandemic ay iniurong ang hosting na noon sana sa November 2021 ay ginawa na ito sa Mayo.     Ilan sa mga renovation na natapos na ay ang My […]

  • Ads April 25, 2023

  • Panawagan ng DILG sa publiko: Mag-donate ng ‘hair, coconut husks’ para mapigilan ang oil spill

    NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na mag- donate ng ‘hay, hair at coconut husks’ para mapigilan ang oil spill sa Bataan at kalapit-lugar.         Sa oil spill alert advisory ng DILG, sinabi ng DILG Bataan na “every contribution counts and will help in resolving this […]