• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Toll rates para sa Skyway 3, inilabas na ng TRB

Nag-isyu na ng aprubadong toll rates ang Toll Regulatory Board (TRB) na sisingilin sa mga motorista na gagamit ng Skyway Stage 3 elevated expressway.

 

 

Kasunod ito ng anunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) na simula sa Hulyo 12 ay magsisimula na silang maningil ng toll fee para sa Skyway 3.

 

 

Ayon kay TRB spokesperson Julius Corpus, alinsunod sa aprubadong toll rates, maaaring maningil ang SMC Infrastructure ng P264 mula Buendia hanggang Balintawak; P105 naman mula sa Buendia hanggang Sta. Mesa; P30 mula Sta. Mesa hanggang Ramon Magsaysay at P129 mula Ramon Magsaysay hanggang Ba­lintawak.

 

 

Matatandaang katapusan pa ng Disyembre, 2020 nang buksan ng SMC ang Skyway 3 sa mga motorista ngunit libre muna itong ipinapagamit sa ngayon.

 

 

Sinabi naman na ng SMC na ang sisingilin nilang toll fee ay gagamitin nila para sa episyenteng operasyon at maintenance ng elevated expressway.

 

 

Ang naturang 18-kilome­trong Skyway 3 project, na may layuning paluwagin ang daloy ng trapiko sa EDSA, ang siyang nagdudugtong sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).

 

 

Sa tulong ng proyekto, nabawasan ang travel time mula Alabang hanggang Balintawak ng hanggang 30 minuto na lamang mula sa dating tatlong oras.

Other News
  • 3 ‘killer-rapist’ ng transgender, arestado

    Naaresto na kahapon ng mga pulis ang tatlong suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang transgender man sa Brgy. Silang, Quezon City.     Kinilala ang mga nadakip na sina  Zander dela Cruz, kababata ng biktima; Richard Elvin Araza, alyas Tiago at Joel Loyola, alyas Nonoy.     Sila ang itinuturong suspek sa panggagahasa at […]

  • Patung-patong na kaso, ibinabala sa nagbebenta ng bakuna at vaccination slots

    Binalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na gobyerno, para bantayan ang kanilang mga tauhan sa isyu ng pagbebenta ng bakuna o maging ng vaccination slots.     Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, seryosong usapin dito, lalo’t hanggang ngayon ay hindi pa rin sapat ang dumarating na bakuna para […]

  • Ads February 10, 2022