TOLL ROAD INTER-OPERABILITY MALABONG MAIPATUPAD NGAYONG TAON
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
Pero ang mandatory cashless transaction sa tollways tuloy kahit wala pang interoperability.
Ito ang pahayag ng DOTr at ni Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales – na malabong magkaroon ng interoperability ngayong taon at baka sa 2021 pa raw. Ibig sabihin kapag ang sticker mo ay AUTOSWEEP RFID lang – pwede ito sa Skyway, SLEX, NAI AX, Star tollway, MCX at TPLEX. At kapag EASYTRIP naman pwede lang sa NLEX, SCTEX, Cavitex at CALAX. Kaya kung nalilito ka sa dalawa at malimit kang dumaan ng tollway kailangan ay mayroon ka ng parehong stickers para hindi ka maabala.
Bakit ba kaya hindi na lang magkasundo ang dalawang negosyante na mag karoon na ng interoperability muna bago ang deadline ng cash transaction sa December 2, 2020! Hindi ba pwede? Hindi ba kakayanin? Kung paniniwalaan ang pahayag ni TRB Executive Director Sales ay tila may malaking sagabal. Sabi niya “the planned toll collection interoperability between expressways will ONLY happen if San Miguel Corporation will cooperate with the government. (Manila Times September 14 2020 by Lisbet K Esmael)”. Kaya ang tanong – nag cooperate na ba ang team San Miguel na Autosweep? At kung sakaling walang cooperation ang Autosweep – sawi na ang hiling ng mga motorista na magkaroon ng isang klaseng sticker na lang?
May puntos si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na kung hindi kayang i-activate ang interoperability o pag-iisa ng sistema ng Autosweep at Easytrip ay ipagpaliban muna ang deadline ng cashless transactions sa mga tollways. Ang sagot naman ng DOTR ay hindi pwede dahil may pandemya at baka magdulot ng paghahawa kapag may cash transaction sa tollgate. Yan lagi ang tono nila na ginagamit ang pananakot sa Covid-19 pag na-kokorner ang polisiya at tinatanong ang soundness ng plano at sistema. Bakit? Lahat na ba ng human activity ay cashless na? Bigay kayo ng bigay ng deadline hindi naman niyo ayusin yung interoperability para makagaan sa mga motorista!
Malapit na ang December 2 at wala pang pagasa na magkaroon ng interoperability ang mga tollway natin ngayong taon pero ipipilit pa rin ang kagustuhan ng TRB at DOTR na tuloy ang deadline para sa cashless transaction.
At depende sa “kooperasyon” pa ng San Miguel kung matutuloy ang pag-iisa ng Autosweep at Easytrip. Mukhang wala ng cash transaction sa tollgates pero sa iba baka meron pa. Kawawang motorista. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)
-
National Football League, magdodonate ng $5-M bilang tulong sa mga nasunugan sa LA
NANGAKO ang National Football League (NFL) na tutulong sa mga biktima ng malawakang wildfire sa Los Angeles, California. Batay sa statement na inilabas ng NFL ngayong araw, magbibigay ito, kasama ang ilang team, ng $5 million para suportahan ang mga komunidad sa LA na labis na napinsala sa nagpapatuloy na wildfire. Ang naturang halaga ay […]
-
May makahulugang Holy Week message: JULIA, nangakong mas magiging malapit pa sa Diyos
NOONG Holy Wednesday, nag-post ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa kanyang social media account ng isang makabuluhang mensahe na para din sa lahat ng makababasa. Makikita sa IG post ng aktres na malapit na malapit sa puso ni Coco Martin, ang isang larawan na parang altar na may mga nakapatong na […]
-
Warriors, 3-0 na sa preseason games
MULING nagtala ng panalo ang Golden State Warriors sa preseason matapos nitong patumbahin ang karibal na Sacramento Kings, 109 – 106. Naging episyente ang Warriors sa kabuuan ng laro gamit ang 48.5 shooting percentage at ipinasok ang 32 shots mula sa 99 attempts. Hawak din ng Warriors ang free throw line […]