TONI, nag-resign na bilang main host ng ‘PBB’ at ipinasa kay BIANCA
- Published on February 10, 2022
- by @peoplesbalita
SUMABOG na ang galit lalo na ng mga Kapamilya employees at Kapamilya staff, maging ang ilang mga netizens dahil sa lantarang pagsuporta na ni Toni Gonzaga sa kandidatura ng kanilang ninong na si Bongbong Marcos, plus of course, kay Mayor Sara Duterte.
Kitang-kita naman sa mga Instagram stories na pinost at ni-repost ni Toni kung gaano siya ka-proud na maging host ng campaign rally ng BBM-Sara.
Kung paano ipinakilala ni Toni si Rodante Marcoleta na siyang nag-push ng franchise denial ng ABS-CBN. Tinatawag si Toni na “ingrata,” “fake preacher” “duling” at iba-iba pa.
Naglalabasan na rin ang mga personal experiences ng iba kay Toni na ‘di-kagandahan. At halos karamihan, nagre-request na i-cancel na ito ng ABS-CBN, particular na bilang main host ng Pinoy Big Brother (PBB).
At mukhang wish granted, si Toni na raw ang nag-resign bilang main host ng PBB at ipinapasa na raw nito kay Bianca Gonzales.
Anyway, base sa mga nire-repost ni Toni, kini-claim niya na she’s the “unbothered queen.” ‘Yun nga lang, hindi rin maitatanggi na kahit siyempre, suportado siya ng mga katulad niyang BBM-Sara, “mukhang pera” ang tingin sa kanya ng ibang netizens.
***
ANG panganay na anak ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes ay isa na rin sa mga batang anak ng celebrities na nagpa-vaccine anti-COVID.
Kasama na nga si Zia sa listahan ng mga celebrity kids na nang mag-open na ng vaccination sa edad 5-11 ay mga unang ipinila na rin ng mga magulang.
Si Dingdong ang kasama ni Zia nang magpa-booster ito. Natutuwa rin ang mga netizens dahil given naman daw ang pagka-hands on mommy ni Marian sa dalawang anak na sina Zia at Sixto.
Pero ‘yung makita kung paano may time talaga si Dingdong sa mga anak bukod nga sa pagsama rito sa pagbabakuna, ‘yung mga lumalabas din sa social media na playtime niya sa dalawa.
Anyway, siguradong malaking influence rin lalo na sa mga magulang na takot pang bakunahan ang mga anak nilang bata na makitang ang mga artista nga ay hindi natakot na gawin na ito sa mga anak nila.
(ROSE GARCIA)
-
PLDT nagdagdag pa ng 2 players
DALAWANG players ng Perlas Spikers ang nagtawid-bakod sa kampo ng PLDT Home Fibr para sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference. Nagpasya sina Heather Guinoo at Jules Samonte na lumipat sa High Speed Hitters matapos magdesisyon ang Perlas Spikers na magsumite ng leave of absence sa liga. Excited na sina Guinoo […]
-
Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS
WALA umanong naging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon. Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023. Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang […]
-
Produksyon sa fishery sector sa unang 3 buwan, bumaba
NAITALA ang pagbaba ng produksyon sa sektor ng pangisdaan sa unang tatlong quarter ng kasalukuyang taon. Nakapag-ambag ang sektor ng pangisdaan ng hanggang P58.72 billion na halaga ng produksyon o katumbas ng 14.2% ng kabuuang agricultural output. Ito ay bumaba ng 6.1% kumpara sa naging produksyon noong nakalipas na taon. […]