• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Too late” na ang Pinas na magpatupad ng travel ban laban sa Indonesia, pinalagan ng Malakanyang

PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ng mga kritiko ng administrasyong Duterte na “too late” na o nahuli na ang Pilipinas sa pagpapatupad ng travel ban laban sa Indonesia na napaulat na may maraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw.

 

“Hindi naman po too late ‘yan kasi meron naman po tayong datos ng mga dumarating na mga pasahero galing Indonesia,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Unang-una wala po tayong turismo at wala rin po tayong business visas except for the long-term investor’s visas na in-issue natin,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 14 days travel ban ng mga manggagaling sa Indonesia at may travel history sa nabanggit na bansa.

 

Ang travel ban ay epektibo sa 12:01 a.m. ng July 16, 2021 at matatapos sa 11:59 p.m. ng July 31, 2021.

 

Ang mga nasa biyahe na aabutan ng pagsisimula ng travel ban bago sumapit ang 12:01 a.m. ng July 16 ay papayagang makapasok sa bansa pero kailangang sumailalim sa full 14-day facility quarantine at magpakita ng negative Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result.

 

Samantala, sinabi ni Sec. Roque na mayroong 724 byahero mula Indonesia ang nakapasok sa Pilipinas mula Abril hanggang Hulyo ngayong taon.

 

“So maliit po ‘yan at lahat po ‘yan ay dumaan naman po sa 10 araw na facility quarantine, aniya pa ri.

 

“So hindi naman po [too late] dahil limitado din talaga yung mga pumasok galing Indonesia,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ngayon, umabot na sa 2.6 milyon ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Indonesia, na pinataas nitong nakalipas na mga araw sa pagdami ng hawahan.

 

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na inirekomenda ng IATF ang travel ban bilang tugon sa sitwasyon sa Indonesia.

 

Nauna nang nagpatupad ng travel restriction ang Pilipinas sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman, na pinalawig hanggang July 31 dahil din sa COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • SHARON, proud and honored na maging part ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at malaki ang pasasalamat kay COCO

    OPISYAL na ngang KaProbinsyano si Megastar Sharon Cuneta at nagkaroon ng red-carpet event last November 9 ang Dreamscape Entertainment at isa nga ang lead-actor at creative director na si Coco Martin ang nag-welcome sa singer/actress.     Ang FPJ’s Ang Probinsyano nga ang kauna-unahang Kapamilya teleserye ni Sharon at karangalan nila na maging bahagi ng […]

  • PUJ drivers napipilitang huminto ng pasada

    MAY MGA  public utility jeepney (PUJ) drivers ang napipiitan huminto ng pasada sa kanilang ruta dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo at hindi dahil sila ay nagproprotesta.     Ayon sa 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK) na maaaring mahirapan ang ibang pasahero na kumuha ng transportasyon sa mga PUJs dahil nagbabala ang mga […]

  • P1B APRUBADO NA BILANG DAGDAG BUDGET NG PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY

    APRUBADO na at kasama na sa National Expenditure Program for 2024 ang P1 bilyon para sa revitalization ng coconut industry.       Sinabi ni PCA Administrator Bernie Cruz nitong Martes (Agosto 29), out of their request for P11-billion additional budget, only P1B billion was included in the NEP for 2024. Dagdag ni Cruz, mismong […]