Top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA, nabitag sa Caloocan
- Published on June 17, 2023
- by @peoplesbalita
ISANG lalaki na kabilang sa top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA at listed bilang High Value Individual (HVI) ng Oriental Mindoro Provincial Police Office ang nasakote ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si John Paul Villafuerte alyas “Daga”, 40, vendor ng No. 19 Malaria Road, Brgy. 185.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na kasama ang mga tauhan ng PNP DEG SOU 4B sa pangunguna ni PCPT Camilo Fajardo Jr, nagsagawa ang Caloocan police sa pangunguna ni PMAJ Segundino Bulan Jr at PMAJ Geraldson Rivera ng joint manhunt operation kontra wanted persons.
Ani Major Rivera, sinilbihan nila ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Fourth Judicial Region Branch 40, Calapan City, Mindoro Oriental noong January 25, 2023, para sa kasong Section 5 Art II of RA 9165 ang akusado sa loob ng Custodial Facility ng Tala Police sub-Station (SS14) dakong alas-2:50 ng hapon.
Nauna rito, naaresto ng mga tauhan ng SS14 si Villafuerte dahil sa paglabag sa PD 1602 (Cara y Cruz) sa lungsod hanggang sa mapag-alaman ng pulisya na wanted ang suspek sa Oriental Mindoro dahil sa pagkakasangkot sa pagbebenta ng illegal na droga.
Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang mga operating team sa kanilang walang tigil na manhunt operation alinsunod sa pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person na hinahanap ng batas. (Richard Mesa)
-
Iiwasan nang mag-post ng personal messages sa socmed: SHARON, nakikiusap na tigilan na ang pagsasabong sa mga anak
SA latest IG post ni Megastar Sharon Cuneta, ibinahagi niya ang simpleng dinner para sa selebrasyon ng 14th birthday ni Miguel kasama si dating Sen. Kiko Pangilinan at Miel. Kasama ang mga larawan, panimulang caption ni Mega, “Kahit may Cebu concert pa sa 17th, back to reality muna kayo mga anak! (smiling crying […]
-
MINIMUM WAGE SA CALABARZON
ITINAAS na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Calabarzon ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor mula P35 hanggang P50, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes. Sa board Wage Order No. IVA-20 na may petsang Sept. 1 , ang daily minimum wages sa sumusunod na […]
-
POC isinama pa rin si Obiena sa mga manlalaro na sasabak sa SEA Games
ISINAMA pa rin ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino sa line-up ng mga manlalaro na sasabak sa Southeast Asian Games si pole vaulter EJ Obiena. Kasunod ito sa pagtanggal ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) kay Obiena sa mga listahan ng mga atleta na maglalaro sa nasabing torneo na […]