Top 2 at 6 most wanted person sa kasong rape sa Malabon, nalambat
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
NATIMBOG ng pinagsanib na puwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Station Intelligence Section (SIS) at Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office (RMFB-NCRPO) ang Top 2 at 6 Most Wanted Person ng Malabon city sa magkahiwalay na operation sa naturang lungsod.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Josie Rodil ng Branch 293 para sa kasong Rape si Angelo Jao Calizar, 21, sa harap ng kanyang tirahan sa 13 Leono St. Brgy. Tañong, dakong alas-9:30 ng gabi.
Kasama ng mga tauhan ni P/CMSgt. Gilbert Bansil, hepe ng WSS ang mga operatiba ng RMFB-NCRPO sa pangunguna ni P/Capt. Ronilo Aquino at SIS nang isagawa ang pagdakip sa akusado.
Ayon kay P/SMSgt. Addrich Reagan De Leon, isa sa mga arresting officers, noon pang nakaraang taon nangyari ang umano’y panghahalay ng suspek sa dalagang biktima na kanyang kaibigan.
Dakong alas-9 naman ng Huwebes ng gabi nang maaresto din ng mga tauhan ng WSS, RMFB-NCRPO at SIS sa pangunguna ni chief PLT Zoilo Arquillo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong June 3, 2021 ni Malabon RTC Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Branch 73 para sa kasong Rape si Christopher Baltazar, 46, sa Macanas St., Brgy. Panghulo.
Ani PSMS De Leon, noong nakaraang taon ng January at Decenber nang maganap umano ang panghahalay ng suspek ang kanyang step daughter na 11-anyos sa kanyang bahay sa Brgy. Panghulo, Malabon city.
Nang magbakasyon ang biktima sa tunay niyang ama sa laguna ay ayaw na itong bumalik hanggang sa malaman ng kanyang ama ang ginawang panghahalay ng suspek sa anak niya.
Noong January 2021 ay nagtungo sila sa bahay ng suspek subalit, hindi nila ito naabutan kaya nagreklamo at nagsampa ng demanda ang ama kasama ang kanyang anak sa pulisya at piskalya ng Malabon city. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
BAGO SANA ang NEGOSYO, AYUSIN MUNA ANG SISTEMA!
Sa kabila ng maraming tanong mula sa mga motorista ay tuloy na ang operasyon ng ilang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) providers. At gaya ng inaasahan, kapag hindi pa maayos ang sistema ay perwisyo ang dulot nito sa motorista na nagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan. Ayon sa ilang motorista na dumulog sa Lawyers for Commuters Safety and […]
-
Dahil sa naglalakihan at nagkikislapang mga alahas: SHARON, agaw-pansin sa debut party ng inaanak na si YOHAN
AGAW-PANSIN sa debut party ni Yohan Agoncillo si Sharon Cuneta! Shining, shimmering, splendid kasi ang Megastar dahil sa naglalakihan at nagkikislapan niyang mga alahas, mula sa kanyang hikaw, kuwintas, bracelet at singsing, mistulang isang walking jewelry store (hindi pawnshop, huh!) si Sharon. Well, wala na namang nakagugulat pa roon knowing na […]
-
QCINEMA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL GOES HYBRID FOR 2020!
DESPITE the COVID-19 pandemic, the love for cinema does not stop as the QCinema International Film Festival goes hybrid for 2020! Running from November 27 to December 5, the festival will hold screenings in an outdoor venue and online, via the TVOD platform UPSTREAM. According to festival director, Ed Lejano, they decided to […]