• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 2 most wanted person ng Hernani MPS, timbog sa Caloocan

MAKALIPAS ang mahigit anim na taong pagtatago sa batas, naaresto na ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City ang isang kelot na wanted sa kaso ng tangkang panggagahasa sa Eastern Samar.

 

 

Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P?lt. Col. Robert Sales ang naarestong akusado bilang si Nelson Alidon, 22, tubong Hernani, Eastern Samar at residente ng San Rafael, Guagua, Pampanga.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Lt. Col. Sales na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensiya ng akusado sa Brgy, 8, Caloocan City.

 

 

Kaagad nakipag-ugnayan ang DSOU sa 2nd Coy ESPMFC, Hernani MPS Eastern Samar, PIU- ESPPO at DID- NPD saka nagsagawa ng joint manhunt operation sa pangunguna ni PLt. Armando Pandeagua Jr, kasama ang NDIT-RIU NCR na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:30 ng hapon sa Salmon St., Brgy. 8.

 

 

Ani Lt. Col. Sales, si Alidon na nasa top 2 most wanted ng Hernani Municipal Police Station (MPS) ay dinakip ng kanyang mga tauhan sa warrant of arrest was na inisyu ni Presiding Judge Nathaniel E. Baldono ng Regioanl Trial Court (RTC) Branch 2, Borongan City, Eastern Samar noong August 2, 2017, para sa kasong Attempted Rape.

 

 

Pinuri naman ni BGen. Gapas ang DSOU sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • Unang Olympic gold: P35.5-M, bahay at lupa nag-aabang kay Hidilyn Diaz sa ‘Pinas

    Maliban sa gintong medalya, limpak-limpak na salapi at iba pang gantimpala ang nag-aantay sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz pag-uwi niya mula Pilipinas.     Ika-26 ng Hulyo nang mapalanunan ng weightlifter ang gintong medalya mula sa 2021 Tokyo Olympics — ang una ng Pilipinas simula nang sumali ito noong 1924.     Alinsunod sa […]

  • Ads November 26, 2022

  • DND, lalagda ng kontrata sa pagbili ng 32 ‘Black Hawk’ helicopters

    NAKATAKDANG tintahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang isang kontrata para sa pagbili ng 32 karagdagang S-70i “Black Hawk” combat utility helicopters mula PZL Mielec ng Poland, Martes ng tanghali.     “Bukas po ng hapon, Mr. President, ay pipirmahan ko ‘yung kontrata para sa karagdagang 32 ‘Black Hawk’ helicopters,” ang […]