Top 4 most wanted person ng Malabon, timbog
- Published on August 28, 2024
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang isang mister na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Longosd ang presensya ng akusadong si alyas Gerardo, 53, residente ng Navotas City.
Agad inatasan ni Col. Baybayan ang WSS na bumuo ng team para sa gagawing pagtugis sa akusado na nasa top 4 most wanted person ng Lungsod ng Malabon.
Kasama ang mga tauhan ng Maritime Group at 3rd Special Operation Unit, agad nagsagawa ang WSS ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:00 ng hapon sa Pampano St.,, Brgy., Longos.
Ayon kay Col. Baybayan, binitbit ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Regional Trial Court Branch 73, Malabon City, noong May 19, 2021, para sa kasong Rape.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon City Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)
-
Kai Sotto malaki pa rin ang chance na makasama sa NBA G-League
Tiwala ang maraming mga basketball experts na hindi pa rin naglalaho ang pangarap ni Kai Sotto na makapaglaro sa NBA-G League. Ito ay kasunod ng nangyaring aberya ng umuwi ito sa Pilipinas para sana makapaglaro sa Gilas Pilipinas subalit hindi natuloy dahil sa kanselasyon ng FIBA Asia Qualifers ngayong buwan ng Pebrero. […]
-
Obrero arestado sa shabu, gun replica at mga bala sa Valenzuela
KALABOSO ang isang construction worker matapos mabisto ang dalang shabu, gun replica at mga bala makaraang takbuhan ang mga sumitang pulis dahil sa pag-iinuman sa kalye sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Major Randy Llanderal, hepe ng Sub-Station 2 ng Valenzuela police ang naarestong suspek bilang si Osias Patenia, 41 ng Blk 3 […]
-
Garantiya ng Malakanyang, may mananagot sa NBP incident; imbestigasyon, nakakasa na
SINABI ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Karlo Nograles na may isinasagawa ng “full investigation” sa New Bilibid Prison (NBP) incident. Tiniyak ni Nograles na mananagot ang mapatutunayang may kinalaman sa insidente. “Yes. Of course , mayroon tayong mga procedures na sinusunod diyan kapag nagkakaroon ng ganiyang klaseng mga pangyayari, a […]