• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 4 most wanted person ng Valenzuela, timbog sa Pangasinan

NAGWAKAS na ang 16-taong pagtatago sa batas ng isang top 4 most wanted person ng Valenzuela City matapos itong masakote ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan sa Pangasinan.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong akusado na si Michael Reyes, 35 at residente ng Purok 4, Brgy. Nibaliw, Mangaldan Pangasinan.

 

 

Ayon kay Col. Haveria, nakatanggap ang mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ng impormasyon mula sa isang impormante hinggil sa pinagtataguan ng akusado sa Pangasinan.

 

 

Bumuo ng team ang WSS sa pamumuno ni PLT Robin Santos at Valenzuela Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni PLT Armando Delima, kasama si PSMS Roberto Santillan sa ilalim ng matatag na pamumuno ni Col. Haveria.

 

 

Kaagad ikinasa ng mga tauhan ng WSS at SS-6 ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Reyes dakong alas-5:20 ng hapon sa kahabaan ng Rizal Street, Brgy. Poblacion, Mangaldan, Pangasinan.

 

 

Ani PLT Santos, si Reyes ay inaresto sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu noong July 24, 2006 ni Hon. Nancy Rivas-Palmores, presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 172, Valenzuela City para sa kasong Rape at walang i-nirekomendang piyansa. (Richard Mesa)

Other News
  • Taripa sa electric vehicles, parts, babawasan

    APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapyasan  ang taripa sa electric vehicles (EVs) para mapasigla ang demand sa gitna ng mataas na presyo ng langis.     Ito ang naging desisyon ng National Economic Development Authority (Neda) board,  kung saan si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman.     Sinabi ni Economic Planning Secretary […]

  • Marcial target isabak sa Agosto

    SA AGOSTO ang posibleng ikatlong professional fight ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.     Ito ang inihayag ng Pinoy pug ilang araw matapos masungkit ang kanyang ikaapat na sunod na gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginanap kamakailan sa Hanoi, Vietnam.     Ayon kay Marcial, wala pang eksaktong petsa ng […]

  • PBBM, naniniwala na ‘Filipino hospitality’ ang nagmamaneho sa turismo sa Pinas

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mamamayang Filipino na ipagpatuloy lamang ang kanilang nakaugaliang tunay na mainit na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa mga bisita para makatulong na isulong ang paglago at ang kabuuang economic development.     Sa kanyang pinakabagong vlog, ikinuwento ni Pangulong Marcos kung paano palaging itinatanong ng mga […]