• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner

PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2.

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng 826 Interior Naval St. Brgy. Sipac-Almacen ay dahil sa ilang linggong intensive surveillance at intelligence operation ng mga tauhan ng Warrant Section.

 

Sinabi pa ni Col. Balasabas na ang naarestong suspek ay matagal ng wanted mula ng 2015 matapos ang ginawang sexually abused sa kanyang 16-anyos na pamangking babae.

 

Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Hon. Judge Carlos M. Flores ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 73, para sa kasong paglabag sa Sec 5 (b) ng R.A. 7610 o Child Abuse.

 

Kasalukuyang nakapiit ngayon si Belista sa Navotas City Police Station habang hinihintay ang commitment order na i-isyu ng Malabon RTC. (Richard Mesa)

Other News
  • Inaabangan kung mauuwi sa kasalan ang relasyon: KC, pinatunayan sa post na ’di pa hiwalay sa Filipino-Swiss boyfriend

    NAGING malapit kami sa ina ni Patrick at Cheska Garcia na si Mommy Bing Velasco.   Nung mga panahon nasa kainitan ng showbiz career ni Patrick at isa pa ang aktor sa miyembro ng Star Circle ng ABS-CBN.   When in fact sa ilang birthday parties namin ay laging present si Patrick kasama si Mommy […]

  • Get ready for Colleen Hoover’s “It Ends with Us” movie adaptation, starring Blake Lively and Justin Baldoni

    LiLY Bloom’s story is now open for everyone to see. The highly anticipated movie adaptation of Colleen Hoover’s best-selling novel, “It Ends with Us,” is finally here. The film stars Blake Lively as Lily Bloom, Justin Baldoni as Ryle Kincaid, and Brandon Sklenar as Atlas Corrigan.         Directed by Justin Baldoni, “It […]

  • Panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law- Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law.     Kasunod ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at global supplies na tinamaan ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Sa isang panayam, sinabi ni Acting Cabinet Secretary Melvin Matibag na nakatakdang talakayin […]