Top 4 MWP ng Malabon, laglag sa selda
- Published on February 11, 2025
- by Peoples Balita
HIMAS-REHAS ang 19-anyos na binata na wanted sa kaso ng panggagahasa nang matiyumpuhan ng tumutugis na mga pulis habang pagala-gala sa Malabon City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusadong si alyas “Dodong” sa Brgy. Longos.
Inatasan ni Col. Baybayan ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team at tugisin ang akusado na nakatala bilang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod.
Dakong alas-10:10 ng umaga nang matiyempuhan ng mga tauhan ng WSS ang akusado sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape in relation to RA 7610 (Child Abuse) na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene L. Mapile-Osinada, ng RTC Branch 289, Malabon City noong April 23, 2024, na may inirekomendang piyansa na P200,000.
Pansamantalang nakakulong ang akusado sa Malabon CPS Custodial Facility habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
Pinuri ni Col. Ligan ang Malabon police sa kanilang walang humpay na paghahangad ng hustisya at dedikasyon sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko.
Aniya, ang NPD ay nananatiling nakapukos sa pagtugis sa mga wanted person at pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad. (Richard Mesa)
-
Ads August 29, 2023
-
Nito lamang weekend… VP Sara, nagpunta sa Japan para sa ‘private trip’
NAGPUNTA si Vice President Sara Duterte sa Japan nitong weekend para sa isang “private trip.” Sinabi ng Office of the Vice President (OVP) na sa kabila ng ‘unofficial nature’ ng pagbisita ni VP Sara sa Japan, ginamit naman nito ang pagkakataon para makapulong ang iba’t ibang grupo ng overseas Filipino workers’ (OFW) sa mga araw […]
-
20 BENEPISYARYO NG GIP, TINANGGAP SA NAVOTAS
MALUGOD na tinanggap ni Mayor Toby Tiangco ang nasa 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) na nagsimula na sa kanilang trabaho kahapon, June 15 sa Navotas City Hall. “In government service, we are here not just to do our job. We are here to help ease the burden of the people we […]