Top 6 most wanted person ng NPD, nasakote
- Published on October 21, 2020
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang 10-buwan pagtatago, naaresto na ng pulisya ang isang umano’y rapist na tinagurian bilang Top 6 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) makaraang bumalik sa kanyang bahay sa Quezon City.
Pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Intelligence Operation Section (IOS) at NPD District Intelligence Division (DID) sa matagumpay na pagkakaarestro kay Enrico Panlilio, 45, construction worker matapos bumalik sa kanyang bahay sa Block 5, Lot 11, Pook Pag-asa, Batasan Hills, Quezon City.
Ayon kay NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, unang nagsagawa ang mga tauhan ng DID at IOS discreet monitoring at surveillance operation malapit sa bahay ni Panlilio matapos ang natanggap nilang tip mula sa kanilang impormante na madalas bumisita ang akusado sa kanyang pamilya.
Alas-5 ng hapon, nakipag- koordinasyon ang mga tauhan ng IOS at NPD-DID sa Quezon City Police District (QCPD) saka i- sinilbi ang warrant of arrest na i- nisyu ni Caloocan Regional Trial (RTC) Family Court Judge Raymundo G. Vallega ng Branch 130 noong January 31, 2020 kontra kay Panlilio para sa kasong rape na walang i-nirekomendang piyansa.
“I commend the successful manhunt operation that led to the arrest of Northern Police District’s Top 6 Most Wanted Person. The efforts of our men in this venture indicates our sincerity to make all law offenders face the charges filed against them in court,” ani MGen.Sinas. (Richard Mesa)
-
Dahil punum-puno ang schedule this year: BEA, piniling mag-backout na lang sa first movie nila ni ALDEN
NAKALULUNGKOT dahil hindi na matutuloy ang pagtatambal nina Bea Alonzo at Alden Richards sa ‘A Special Memory’. Pinili nga ng aktres na mag-backout na lang sa dapat sana ay una nilang pagtatambal sa pelikula ni Alden Richards dahil punum-puno ang schedule niya this year. Sa official statement mula sa management ni Bea… […]
-
POGO ‘one big happy Pharmally’ – Hontiveros
NANINIWALA si Sen. Risa Hontiveros na may ugnayan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pharmally. Sa huling pagdinig ng Senado, napa “oh my, God” si Hontiveros matapos na lumabas na kung sinu-sino ang key players na nasa likod ng kontrobersyal na umano’y POGO ni Guo […]
-
‘Everything Everywhere All At Once’, big winner sa 95th Academy Awards: MICHELLE YEOH, first Asian na manalo ng Oscar best actress at best actor si BRENDAN FRASER
ANG trippy multiverse dramedy na Everything Everywhere All At Once ang tinanghal na big winner sa 95th Academy Awards dahil sa paghakot nito ng 7 awards. Napanalunan ng naturang pelikula ang Best Picture, Best Director (Daniel Kwan and Daniel Scheinert), Best Actress (Michelle Yeoh), Best Supporting Actor (Ke Huy Quan), Best Supporting Actress […]