Top 7 most wanted person ng Caloocan, laglag sa selda
- Published on May 14, 2024
- by @peoplesbalita
BINITBIT ng pulisya sa selda ang isang lalaki na nasa top 7 most wanted person ng Caloocan City matapos matimbog sa ikinasang manhunt operation sa naturang lungsod.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Rudy”.
Bumuo ng team ang WSS, katuwang ang mga tauhan ng NDIT RIUNCR at Police Sub-Station 6 saka ikinasa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong ala-1:20 ng madaling araw sa Kaunlaran Village, Libis Baesa, Barangay 160 Sta. Quiteria.
Ani Col. Lacuesta, inaresto ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez-Briones ng FC Branch 1, Caloocan City noong 12, 2024, para sa kasong Sexual Abuse under Sec. 5(b) of R.A 7610.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police dahil sa kanilang pagsisikap para tugusin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)
-
ANG PINAKAMAHALAGANG BOTO NI HON. BONG SUNTAY
Si Congressman Jesus “Bong” C. Suntay ay ang Congressman ng District 4 ng Quezon City at Chairman ng Committee on Human Rights sa House of Representatives. ‘NO’ ang boto nya sa Anti-Terrorism Bill. Kung ang Chairman mismo ng Human Rights Committee sa Kongreso ay ni-reject ang Bill na ito, ano ang ibig sabihin? […]
-
Pagkakaisa, pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko
Sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para mapaunlad ang bansa ang pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko. Ani Marcos, ang pinakahuling pagbisita niya sa Cebu kamakailan, kasama ang running mate na si vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte kung saan ay mainit silang sinalubong ng libu-libong supporters […]
-
LeBron, Bronny gumawa ng NBA history
GUMAWA ng kasaysayan si LeBron James at anak niyang si Bronny James, Jr. bilang unang father and son na sabay na naglaro sa isang NBA game. Nangyari ito sa 114-118 preseason loss ng Los Angeles Lakers sa Phoenix Suns kahapon sa Arcisure Arena. Ginawa nina James at Bronny ang historic moment […]