• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 8 MWP sa Caloocan, timbog

ISANG lalaki na nakatala bilang top 8 most wanted person ang nasakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Rudy” na kabilang sa mga most wanted persons sa lungsod.

 

 

Alinsunod sa inilatag na agenda ni Chief PNP na “Aggressive & Honest Law Enforcement Operations”, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PMSg Mark Andrew Bartolome, kasama ang mga tauhan ng Police Sub-Station 10 sa pangunguna ni P/Maj. Valmark Funelas ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:30 ng gabi sa San Vicente Ferrer Brgy., 178.

 

 

Ani Col. Lacuesta, ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Family Court, Branch 1, Judge Barbara Aleli Hernandez Briones noong November 21, 2023, para sa paglabag sa Lascivious Conduct under Sec. 5 (b) of R.A 7610.

 

 

Pansamantalang ipiniit ang akusado sa IDMS-WSS sa Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Other News
  • Pangisdaan Festival Street Dance Competition sa Lungsod ng Navotas

    MATAPOS ang tatlong taon, muling nagsagawa ng Pangisdaan Festival Street Dance Competition sa Lungsod ng Navotas bilang bahagi ng pagdiriwang ng 118th Navotas Day. Angat ang galing ng mga mag-aaral na Navoteño sa kanilang performance tampok ang masaya, makulay, at mayamang kultura ng pangisdaan sa Navotas. Binati naman ni Mator John Rey Tianco ang lahat ng […]

  • 2 piloto ng PAF, patay sa plane crash sa Bataan

    PATAY ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang aircraft sa Pilar, Bataan  umaga ng January 25, Miyerkoles.     Kinilala ang mga biktima na sina Captain Jhon Paulo Aviso at Captain Ian Gerru Pasinos.     Ayon kay Bataan PNP Provincial Director Police Col. Romell Velasco, lulan ang […]

  • Kiefer Ravena hindi makakasama sa laro ng Gilas kontra Jordan at Saudi Arabia

    HINDI na makakasama sa laro ng Gilas Pilipinas sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ang kanilang veteran guard na si Kiefer Ravena.     Sa kanyang social media ay ibinahagi nito na sumailalim siya ng emergency dental procedure.     Nanawagan na lamang ito sa mga fans na ipagdasal at suportahan ang […]