Top 9 most wanted person ng Valenzuela, timbog sa manhunt ops
- Published on January 13, 2024
- by @peoplesbalita
HIMAS-REHAS ang 35-anyos na binata na wanted sa kaso ng pangmomolestiya sa isang menor-de-edad matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Jaypee”, 35 ng Brgy. Ugong at nakatala bilang top 9 most wanted person sa Valenzuela City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na muling naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar matapos itong magtago makaraang sampahan ng kasong pangmomolestiya sa isang menor-de-edad.
Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna P/Lt. Ronald Bautista, kasama ang NDIT-RIU NCR saka nagsagawa ng intensified manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-12:35 ng hapon sa Lamesa Street, Barangay Ugong.
Ani Lt. Bautista, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court, Branch 270, Valenzuela City noong August 24, 2023, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Art. 336 of the RPC in rel. to Sec. 5 (b) of R.A. 7610 as amended by R.A. 11648.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong nagkasala na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado na pansamangtalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)
-
Vietnamese national na baon sa utang, nagkamatay sa Malabon
ISANG Vietnamese national ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inum ng silver cleaner dahil sa problema dala ng isinampang kaso laban sa kanya nang mabaon sa utang dahil umano sa “Online Sabong” sa Malabon city. Sa report ni investigator on case PSSg Mark Alcris Caco kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong […]
-
Trump nanood sa UFC kasama ang ilang gabinete
IPINAGDIWANG ni US president-elect Donald Trump ang pagkapanalo nito sa halalan sa pamamagitan ng panonood ng Ultimate Fighting Championship (UFC). Nanood ito sa UFC 309 sa New York kasama si Elon Musk at ilang mga gabinete nito gaya nina Robert F Kennedy Jr at Tulsi Gabbard ganun din si Vivek Ramaswamy. […]
-
Dalawang Tulfo, dating Pangulong Digong Duterte sa senatorial winning circle- Pulse Asia poll
NASA ‘winning circle’ ang dalawang Tulfo at si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte sa June 17-24, 2024 Pulse Asia Survey para sa 2025 Elections Senatorial Preferences. Tinatayang 58% ng survey respondents ang pumili kay broadcaster na naging ACT CIS Rep. Erwin Tulfo, dahilan para makopo niya ang unang puwesto, sinundan ito ni dating Senate […]