Top Athletes kikilalanin sa PSA Awards Night
- Published on December 4, 2024
- by @peoplesbalita
MANINGNING ang kampanya ng Team Philippines sa nakalipas na taon partikular na sa 2024 Paris Olympics kung saan nag-uwi ang mga Pinoy athletes ng dalawang ginto at dalawang tansong medalya.
Kaya naman kikilalanin ang husay at galing ng mga Pilipinong atleta sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Enero 27 sa Manila Hotel.
Hindi malilimutan ang tagumpay ni gymnast Carlos Edriel Yulo na kumana ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics kung saan naghari ito sa men’s floor exercise at men’s vault.
Ito ang pinakamatagumpay na kampanya ng Pilipinas sa Olympic Games upang maging magarbo ang ika-100 taon ng partisipasyon ng bansa sa naturang quadrennial meet.
Nauna nang nagbigay ng gintong medalya si weightlifter Hidilyn Diaz noong 2020 Tokyo Games sa Japan.
Maliban sa dalawang ginto ni Yulo ay nagbulsa rin ng tig-isang tansong medalya sina female boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas.
Pangungunahan nina Yulo, Petecio at Villegas ang mga gagawaran ng parangal sa PSA Awards Night kung saan kikilalanin ang Athlete of the Year.
Bahagi rin ng programa ang pagluklok ng isa na namang atleta sa PSA Hall of Fame.
Pinakahuling naisama sa Hall of Fame si track and field legend Lydia De Vega.
Kikilalalnin din ang mga Pinoy Olympians na nagpartisipa sa mga nakalipas na edisyon ng Olympic Games.
Muling igagawad ang Executive of the Year, National Sports Association (NSA) of the Year, President’s Award, Mr. Basketball at Ms. Volleyball.
Bibigyan din ng major awards ang ilang grupo at personalidad gayundin ng citations, Tony Siddayao Awards at Milo Awards para sa mga junior athletes.
Bibigyang pugay din ang mga namayapang sports personalities sa nakalipas na taon.
Ang PSA ay kasalukuyang pinamumunuan ni Philippine Star Sports Editor Nelson Beltran.
-
GET READY FOR AN ACTION-PACKED JOLLY CHRISTMAS! WATCH THE TRAILER FOR “RED ONE,” STARRING DWAYNE JOHNSON AND CHRIS EVANS
It’s never too early to get jacked for Christmas. Watch the trailer for “Red One” now, starring Dwayne Johnson and Chris Evans, and see the film only in cinemas November 13. YouTube: https://youtu.be/vGmahWH8Awg Facebook: https://web.facebook.com/WarnerBrosPH/videos/697488442503837 About “Red One” After Santa Claus – Code Name: […]
-
P15B sa Philhealth naglaho parang bula – Keith
Aaabot sa ₱15 billion ang ninakaw umano ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ahensya gamit ang iba’t-ibang maanolmalyang paraan, ayon sa dating opisyal nito. Ayon sa nagbitiw na anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith, naniniwala siyang ito ang halaga na ninakaw ng mga umano’y mafia sa ahensya. “Naniniwala po […]
-
Marcos, namumuhay ng simple, duda sa ill-gotten wealth- PDu30
WALANG pera at namumuhay lamang ng simple si presidential candidate at dating Senator Ferdinand Marcos Jr. Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy ng SMNI, araw ng Biyernes. Matatandaang, tinawag ng Pangulo si Marcos na “a weak leader” at “a spoiled […]