• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Torralba nagpaturok na

IBINUNYAG ni virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 aspirant Joshua Torralba na naturukan na siya laban para sa Coronavirus Disease-19 sa Estados Unidos.

 

 

“I actually got the vaccine so I’m more safe,” bulalas ng Rio Grande Volley Vipers trainer at dating manlalaro ng Makati Super Crunch sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL ) sa isang online na panayam nitong Martes.

 

 

Hinirit niya na bago pa siya bumalik ng ‘Pinas, hinintay na niya ang ikalawang dose ng bakuna para sa kanya sa Texas sa Amerika

 

 

“I got the first dose, so I’m waiting for my second dose before I go to the Philippines,” lahad ng 26-anyos, 6-2 ang taas na guard ng De La Salle University Green Archers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

Pinangwakas niyang pahayag na isa ang nasabing estado na may mga pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa US kaya ginawa na niya ang pagbabakuna para na rin sa kaligtasan.

 

 

Nais ng Fil-Am cager makapaglaro sa 46th PBA Philippine Cup 2021 sa Abril 9 kapag na-draft sa Marso 14.  (REC)

Other News
  • NAVOTAS LUMAGDA SA MOA UPANG MAGTATAG NG SCHOOL PESO DESK

    PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas.     Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOA kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. […]

  • Wong mabagsik sa comeback game

    MATAPOS  ang limang buwan na pahinga, nakabalik na sa aksyon si playmaker Deanna Wong sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference. Kaya naman isang mabagsik na Wong ang nasilayan matapos pamunuan ang Choco Mucho sa 20-25, 20-25, 25-22, 25-22, 15-9 panalo laban sa ZUS Coffee noong Sabado. Tila nanibago pa si Wong sa kanyang pagpasok sa […]

  • Dry run ng face-to-face classes sa 2021, aprubado na

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes sa ilang piling eskuwelahan sa low-risk areas.   Sa Cabinet meeting, noong Disyembre 14, 2020, inaprubahan ng Chief Executive ang presentasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot implementation o dry run ng face-to-face classes sa piling  eskuwelahan sa mga lugar na  low […]