Torralba nakipagbuno na sa ilang manlalaro ng NBA
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
MATINDING kompetisyon na rin ang natikman ni Joshua Torralba sa United States of America kung saan naging trainer siya para sa Rio Grande Valley Vipers team na kumakampanya sa National Basketball Associatin (NBA) G League.
Ipinahayag kamakalawa ng 26-anyos, may taas na 6-2 swingman, na naranasan na niyang makaharap sa hardcourt ang ilang manlalaro sa NBA kagaya ng kalibre nina Shaun Livingston ng Golden State Warriors, Aaron Brook ng Houston Rockets, Gary Payton II ng dating Washington Wizards at Danuel House na lumaro dati sa Houston din.
“There are a lot of guys that I’ve seen play and played with,” litanya ng beterano ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa pagsusuot ng Makati Super Crunch jersey at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa De La Salle University Green Archers.
Sa mga nabanggit na manlalaro ni Torralba, pinakatigasin aaniya ang si Livingston, na nakatatlong kampeonato na sa US major cage league bilang kasapi ng Golden State Warriors.
Hindi rinnapag-iiwanan si House, na nasa rotation ng Rockets, maging si Payton na anak ni NBA Hall of Famer Gary Dwayne Payton Sr. (REC)
-
KRIS, natuloy na rin ang paglabas sa GMA Network bilang co-host ni WILLIE
GUMAWA ng pakikipag-usap si TV-host producer na si Willie Revillame, sa namamahala ng Clark International Airport sa Pampanga at sa Inter-Agency Task Force, para doon mag-show nang live, ang kanyang Wowowin: Tutok To Win daily, 5:30 – 6:30 PM, habang naka-ECQ ang Metro Manila/NCR. Kahapon, Sunday, August 8, doon din ginanap nang live […]
-
‘Contempt of court’ sa nagbabanta sa mga huwes – SC
NAGBABALA ang Supreme Court na kakasuhan nila ng ‘contempt of court’ ang mga nagbabanta ng karahasan laban sa mga huwes sa bansa. Sa pahayag na inilabas ng SC Public Information Office, tinalakay ng court en banc ang mga posibleng aksyon sa mga pahayag na inilabas ni dating National Task Force to End Local […]
-
P102-M halaga ng shabu nasabat ng PNP at PDEA sa Malate, Manila; Chinese national arestado
Arestado ng mga operatiba ng PNP at PDEA ang isang Chinese drug suspect sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Malate, Manila kung saan nasa P102-million halaga ng iligal na droga ang nasabat sa kaniyang posisyon. Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang naaresting Chinese national na si CHEN ZHINZUN/Yu Sison Tabuen “a.k.a” […]