Total ban sa mapanganib na paputok ipatupad – DILG
- Published on December 19, 2023
- by @peoplesbalita
UPANG maiwasan ang disgrasya lalo na sa mga kabataan, nanawagan si Interior and Local Government Units (LGUs) na ipatupad ang ‘total ban’ sa lahat ng uri ng mga mapanganib na paputok kaugnay ng pagsalubong sa Kapaskuhan at Bagong Taon sa bansa.
Ayon kay Abalos, ang mga LGU ay maaaring magtalaga ng mga pampublikong lugar kung saan ligtas na mapanood ng mga tao ang mga fireworks display na inaabangan ng netizens.
Binigyang diin ni Abalos na mas ligtas ang paggamit ng fireworks kumpara sa mga firecrackers lalo na yaong malalakas at mapanganib dahil maari itong magdulot ng aksidente.
Mas ligtas aniya ang paggamit ng fireworks kumpara sa mga paputok na maaring magdulot ng aksidente.
Kabilang dito ang posibleng pagkaputol ng daliri, pagkabulag at iba pa.
Binigyang diin ni Abalos na maaring magpalabas ng templates ang mga LGUs sa pag-ban sa mga paputok sa pamamagitan ng ordinansa.
Inalerto na rin ni Abalos ang Bureau of Fire Protection (BFP) dahilan sa mataas na peligro ng sunog sa gitna ng mga mapanganib na paputok.
Una na rito, nagbabala rin ang opisyal na maging maingat sa paggamit ng mga pailaw at dapat na tiyaking ito ay dekalidad na produkto upang makaiwas sa anumang kapahamakan. (Daris Jose)
-
12 SENATORIAL CANDIDATE, INENDORSO NG TUCP
INENDORSO ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang 12 senatorial candidate para sa halalan sa Mayo 9, na binanggit ang kanilang mga plataporma at mga nagawang maka-manggagawa. “We are confident that these 12 pro-workers (senatorial candidates) will carry the torch for working men and women as well as their families in […]
-
“DUNGEONS & DRAGONS: HONOR AMONG THIEVES” STEALS AWAY WITH NEW TRAILER
LET the adventure begin. Watch the brand-new trailer for Paramount Pictures’ Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves and see the film only in Philippine cinemas March 29. YouTube: https://youtu.be/Qt-zNt-VdWQ Facebook: https://facebook.com/watch/?v=3400703543539409&ref=sharing About Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves A charming thief and a band of unlikely adventurers undertake an epic heist to retrieve […]
-
Pres. Duterte aprubado na ang batas sa pagbibigay ng compensation sa 2017 Marawi siege
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naggagarantiya ng compensation para sa mga biktima ng 2017 Marawi siege. Ito ay matapos na lagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022. Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ang naturang batas […]