• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TOTAL CASHLESS FARES SA PUBLIC TRANSPORT HUWAG ISULONG – DAPAT MAY OPTION ANG MGA PASAHERO!

Dahil panahon ng pandemya ay marami ang nagsusulong ng cashless transaction para maiwasan ang skin contact at pigilan ang hawaan ng COVID-19. Ok yan! Pero nilinaw ng World Health Organization na wala silang opisyal na pahayag na nakukuha ang virus sa palitan ng pera.  Pero sabi nga mas ok na doble ingat tayo. Samantala, yung one meter social distance at pagsuot ng facemask, yun naman ang minimum health standard. Pero kamakailan pinaikli ng DOTr ang distansya sa pagitan ng mga pasahero sa public transport.

 

At may iba pang pag relax ng health protocols na ginawa. Ang tanong – kung nire-relax ang ilang health protocols, bakit pagdating sa cashless transactions ay lalong hinihigpitan lalo na sa tollways. Mukhang iba ang polisya?

 

Ang posisyon din ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay WALANG LEGAL NA BATAYAN ang mga tollway operators na hindi tumanggap ng cash dahil ang PISO AY LEGAL TENDER SA PILIPINAS.   Ang salapi o barya na ini-issue ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay ang opisyal na currency sa bansa.

 

Bakit hindi tatanggapin sa tollways? Maaring sabihin nila na may karapatan ang toll operators na pumili ng paraan ng pagbayad dahil ang nire-represent naman ng cashless transaction ay piso.  Kayat hindi ang piso ang tinatangihan kundi yung mode of payment lang.

 

Pero kailangan pa ba natin pumunta sa husgado para i-settle yang legal question na yan?  Di ba’t mas simple na panatiliin ang cash lanes at gandahan ang sebisyo ng RFID para ma-enganyo ang mga motorista mag RFID agad?

 

Bagama’t sinasabi ng mga nagsusulong ng cashless transaction na dapat tayo humabol sa ibang bansa pagdating sa teknolohiya –HINDI NAMAN NILA ONE HUNDRED PERCENT INALIS ANG CASH TRANSACTION! Bakit kaya? Dahil paano kung nag-offline, na hack ang system at iba pang aberya, paano? Dapat flexible sa technology systems – ganun din sa public transport.

 

Okay na isulong ang cashless, pero huwag naman totally alisin ang option ng mga pasahero na magbayad ng cash.

 

Hayaan na ang tao ang pumili ng gagamiting paraan ng pagbabayad ng toll fee nang sa ganun ay binibigyan natin ng sapat na panahon ang mga motorista at pasahero na mag-adapt sa bagong sistema lalo pa nga at ang dami pang problema dito. At para may flexibility naman kung sakaling may aberya.

Other News
  • Nang mag-asawa at tumira sa Cebu: KAYE, natupad ang lahat nang pinapangarap sa buhay

    MULA nang pasukin ang showbiz ay sa Cavite nanirahan at doon na rin lumaki ang isang Kaye Abad.       Kung ilang beses na rin naman kaming naimbitahan ni Kaye sa bahay nila.       Pero nang mag-asawa ay sa Cebu na nanirahan ang magaling na Kapamilya aktres. Kagaya ni Donna Cruz ay […]

  • ‘Oplan Biyaheng Ayos’ ikinakasa ng PITX, para sa Semana Santa

    NAGHAHANDA na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa pagtiyak ng seguridad at kaligtasan ng mahigit 1.2 milyong pasahero na inaasahang dadagsa ngayong Semana Santa.     “The expectation of more than a million passengers stemmed from the observation that passengers will travel earlier to avoid the holy week exodus within the metro, with this, […]

  • Na-ICU after makitang unresponsive: MADONNA, natanggal na ang tube at nasa recovery stage na

    ITINAKBO sa ICU ng isang New York City hospital ang singer na si Madonna pagkatapos itong makitang unresponsive.   Na-intubate ang 64-year old singer at ang latest ay natanggal na yung tube at nasa recovery stage na ito.   Ayon sa longtime manager ni Madonna na si Guy Oseary: “She developed a serious bacterial infection […]