TOTAL CASHLESS FARES SA PUBLIC TRANSPORT HUWAG ISULONG – DAPAT MAY OPTION ANG MGA PASAHERO!
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
Dahil panahon ng pandemya ay marami ang nagsusulong ng cashless transaction para maiwasan ang skin contact at pigilan ang hawaan ng COVID-19. Ok yan! Pero nilinaw ng World Health Organization na wala silang opisyal na pahayag na nakukuha ang virus sa palitan ng pera. Pero sabi nga mas ok na doble ingat tayo. Samantala, yung one meter social distance at pagsuot ng facemask, yun naman ang minimum health standard. Pero kamakailan pinaikli ng DOTr ang distansya sa pagitan ng mga pasahero sa public transport.
At may iba pang pag relax ng health protocols na ginawa. Ang tanong – kung nire-relax ang ilang health protocols, bakit pagdating sa cashless transactions ay lalong hinihigpitan lalo na sa tollways. Mukhang iba ang polisya?
Ang posisyon din ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay WALANG LEGAL NA BATAYAN ang mga tollway operators na hindi tumanggap ng cash dahil ang PISO AY LEGAL TENDER SA PILIPINAS. Ang salapi o barya na ini-issue ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay ang opisyal na currency sa bansa.
Bakit hindi tatanggapin sa tollways? Maaring sabihin nila na may karapatan ang toll operators na pumili ng paraan ng pagbayad dahil ang nire-represent naman ng cashless transaction ay piso. Kayat hindi ang piso ang tinatangihan kundi yung mode of payment lang.
Pero kailangan pa ba natin pumunta sa husgado para i-settle yang legal question na yan? Di ba’t mas simple na panatiliin ang cash lanes at gandahan ang sebisyo ng RFID para ma-enganyo ang mga motorista mag RFID agad?
Bagama’t sinasabi ng mga nagsusulong ng cashless transaction na dapat tayo humabol sa ibang bansa pagdating sa teknolohiya –HINDI NAMAN NILA ONE HUNDRED PERCENT INALIS ANG CASH TRANSACTION! Bakit kaya? Dahil paano kung nag-offline, na hack ang system at iba pang aberya, paano? Dapat flexible sa technology systems – ganun din sa public transport.
Okay na isulong ang cashless, pero huwag naman totally alisin ang option ng mga pasahero na magbayad ng cash.
Hayaan na ang tao ang pumili ng gagamiting paraan ng pagbabayad ng toll fee nang sa ganun ay binibigyan natin ng sapat na panahon ang mga motorista at pasahero na mag-adapt sa bagong sistema lalo pa nga at ang dami pang problema dito. At para may flexibility naman kung sakaling may aberya.
-
DOLE ‘aprub’ sa boluntaryong face masks sa pribadong sektor
Papayagan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang optional na pagsusuot ng face maskslaban sa COVID-19 sa lugar ng trabaho kahit sa indoor settings, ito matapos maglabas kagawaran ng mga panuntunan kaugnay nito. Sa kanilang Labor Advisory 22, Miyerkules, inilinaw ng DOLE ang guidelines patungkol sa “voluntary wearing of masks in workplaces.” Ito’y […]
-
911 Emergency call center, ilulunsad sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS– Ilulunsad na ng Bulacan ang 911 emergency hotline upang palakasin ang proyektong Bulacan Rescue na umaalalay sa mga Bulakenyo sa panahon ng sakuna na gaganapin sa Oktubre 28, 2021 sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito. Maaari nang itawag ang mga emergency kabilang ang medikal, (atake sa puso, stroke atbp.), […]
-
Ads April 17, 2021