Trabahante na kinuha sa DPWH projects, pumalo sa 1.6M
- Published on January 29, 2022
- by @peoplesbalita
PUMALO sa mahigit 1.6 milyong Filipino ang naging trabahante o nagtrabaho para sa agresibong implementasyon ng infrastructure projects lalo na sa pamamagitan ng Build Build Build project.
Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger G. Mercado na mula sa buwan ng Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon, ay nagawa ng DPWH ang “construction, rehabilitation, and improvement” ng 4,097 kilometro ng mga lansangan at maging ang 510 na tulay at 1,593 flood control structures dahilan para mapabuti ang travel time, sinigurado ang kaligtasan ng mga motorista at protektahan ang buhay at ari-arian.
Minadali rin ng departamento ang pagkumpleto sa 4,244 classrooms, at 82 school workshop buildings, at iba pang school facilities, at maging ng 108 evacuation centers sa buong bansa.
“With the threat of the pandemic still looming, DPWH still managed to attain numerous achievements in our mission to provide quality infrastructure to the Filipino people,” ayon kay Mercado.
Simula nang magsimula ang administrasyong Duterte noong Hunyo ng 2016, nakita na sa bansa ang “construction, rehabilitation, and improvement” ng 34,291 kilometro ng lansangan ; 6,656 tulay ; at 13,224 flood control structures.
Sa paglaban naman ng bansa sa COVID-19, nakapagbigay naman ng malaking ambag ang departamento.
“By the end of 2021, the DPWH built 736 quarantine facilities with 28,195 beds for the treatment of infected individuals, 29 modular hospitals with 595 beds and 55 off-site dormitories for health workers with 1,444 beds,” ani Mercado.
Sinabi naman ni DPWH senior Undersecretary Rafael C. Yabut, in-charge of DPWH Regional Operations, na “DPWH looks forward to conquering Fiscal Year 2022 filled with challenges, opportunities and victories.”
“With the humble desire to be of service and to lend a helping hand even in trying times, DPWH men and women have proven in the aftermath of a disaster like the Typhoon “Odette” on December 2021 and Taal Volcano eruption on January 2020 the willingness to face any risk in the name of fulfilling duties and serving the public,” ayon pa rin kay Yabut.
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 32) Story by Geraldine Monzon
MATAPOS isuko ang sarili kay Jeff ay naisip ni Andrea na tawagan si Angela. Dahil sa tanong ng dalaga ay naalala ni Angela ang nakaraan nila ni Bernard. Yung mga panahon na nakagawa sila ni Lola Corazon ng maling desisyon. Yung desisyon na naging daan para kamuhian siya ng kanyang amo na lihim niyang minamahal. […]
-
Tigil-Pasada na ikinasa ng ilang transport group sa bansa ‘generally peaceful’ – PNP
INIULAT ng Philippine National Police na naging “generally peaceful” ang unang araw ng ikinasang weeklong tigil-pasada ng ilang transport group sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Batay sa paunang assessment ng Pambansang Pulisya, naging maayos ang isinagawang kilos-protesta ng ilang grupo ng mga tsuper at operator sa unang araw ng kanilang tigil pasada […]
-
Pagrerehistro ng e-bike minungkahi ng LTO
ISANG mungkahi ang isusumite ng Land Transportation Office (LTO) sa Department of Transportation (DOTr) upang magkaroon ng mandatory registration ng mga electronic scooters at e-bicycles kahit na ano pa mang vehicle capacity nito. Sa ilalim ng panukala, ang mga rehistradong electronic scooters at e-bicycle sa LTO lamang ang maaaring dumaan at gumamit ng […]