• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trabaho lang daw at walang personalan: SHARON, inunahan na ang natawa sa title ng upcoming TV series na pang-Hollywood

MARAMI ang natuwa, nagulat at napa-wow nang I-post ni Megastar Sharon Cuneta ang title ng upcoming international project niya na ‘CONCEPCION: A Crime Family Drama.

 

 

Caption ni Mega: “(Sige magtawa kayo sa title! Eh wala ganon talaga eh. Trabaho lang walang personalan!)

 

 

“Just please read the article. Just might be my surprise #1 for all of you!”

 

 

Sabi pa niya, “This is Hollywood y’all! https://www.onlyhumanproductions.com/concepcion @mrreggielee @boldmp.”

 

 

Nakipag-usap na nga si Sharon last year sa production sa tungkol sa pagganap niya sa political powerhouse and matriach of the Concepcion family na si Lola Emily.

 

 

Nakalagay sa website ng Only Human Productions, “A long time fan of the American tv show, Grimm, Sharon and producer/actor Reggie Lee have already involved her representation & ABS-CBN Entertainment about working out future plans to co-star in this groundbreaking Filipino-American tv production.”

 

 

Kaya comment ng mga followers ni Mega:

 

 

“Yan talaga ang title hahahahaha.pero push! Excited for this. Love you SL.”

 

 

“WAAAAAAAH! the title tho! BUT can’t wait for this! @reallysharoncuneta !! HOLLYWOOD! KILIIIIIG!”

 

 

“MAMA BUTI NA LANG PO NILAGYAN MO NG GANYAN CAPTION HAHAHAHAHA MUNTIK NA PO KAMING HINDI MAKAHINGA JUSKOLORD.”

 

 

“Nawala antok ko dahil sa “concepcion” ma.”

 

 

“Iba din magpakilig c idol mega eh simple pero dumadagundong ang dating hahaha.”

 

 

“Akala ko po ma movie comeback na po… biglang nagtatakbo puso ko.”

 

 

“Mamaaaa @reallysharoncuneta , na-hopia nanaman ako, kala ko movie cb na ee!! “tagal nyo galawin ang baso ni papi @concepciongabby !!!?”

 

 

“Big project! Congrats po!”

 

 

“MA I JUST READ THE ARTICLE OH MY GOD POWERHOUSE CAST!!!! YOU WILL SURELY NAIL IT, CONGRATS NA PO AGAAAAAD! I’M EXCITED HUHU.”

 

 

Pahayag pa nang mapanuring netizens”

 

 

“Wow ha hataw ang mga Pinoy actors sa Hollywood shows/co produced shows. Bongga!”

 

 

“Marami sila! This is the year of Filipinos in Hollywood. Support natin silang lahat!”

 

 

“I’m so interested. Yun mga mga production na pang international and ground breaking ang dapat sa stature ni Mega in the industry. Hindi yun movie nung ewan na director.”

 

 

“Proud to be Filipino! Sana dumami pa ang mga Pinoy na makapasok sa international scene.”

 

 

“Sa mga naghihintay na marites, ayan na po ang kasagutan ni Mega sa Hollywood project ni Diamond Star.”

 

 

“Nauna naman kasing may offer kay Mega na international film kesa kay Maricel no. Itanong mo pa sa producers nung movie ni Maricel kasi sila rin ang producers nung movie ni Sharon sa kanila eh. Bago pa yan nung Jokoy movie ah! Yun lang!”

 

 

At dahil parang may iringan na naman ang mga fans, say ng isang netizen:

 

 

“Bakit pinagaaway nyo pa si Sharon at Maricel, wala na sila pareho kailangan patunayan. Dapat as Filipinos, maging positive at masaya for both of them dahil karangalan for the showbiz industry ng Philippines yan. Pinag-aawayan nyo, nasa iisang bangka lang naman kayo.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads July 8, 2024

  • Netizens, super-react sa poster ng GL series nila: LOVI at JANINE, first time magsasama at kaabang-abang ang tagisan sa pag-arte

    SA IG post ni Lovi Poe last June 25, ibinahagi rin niya ang official poster ng ‘Sleep With Me’, at may caption na, “Are you ready to sleep with Luna and Harry?”     Ito ang first lesbian series ni Lovi na kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez.     Post naman ng aktres […]

  • Sinampahan ng kaso ni Sandro, may apela sa publiko: NIÑO, humihingi ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta

    MATAPOS na isiwalat ng GMA sa kanilang official statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach są network laban kina Jojo Nones at Richard Cruz na hindi na idinetalye ang nilalaman nito, ay pinarating ang abogado ng daalwang independent contractors.       Ayon kay Atty. Garduque, na iniulat ng “24 Oras” noong […]