Trabaho para sa seniors, PWDs tuluy-tuloy sa Maynila
- Published on July 11, 2023
- by @peoplesbalita
TULOY pa rin ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng pagkakataong makapasok ng trabaho ang mga senior citizen at persons with disability (PWDs) upang maitaas ang kanilang moral.
Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna, na paborito niya ang mga senior citizen at PWDs na mabigyan ng trabaho dahil hindi lamang para kumita ng pera, kundi maramdaman din nila na sila ay productive at hindi pabigat sa pamilya.
“Kung inyong nasusubaybayan, ang paborito po naming talagang hinahanapan ng trabaho, basta willing and able sila and they have a clearance from their doctors na puwede pa silang magtrabaho ay talagang hinahanapan namin sila,” ayon pa sa alkalde.
Masuwerte aniya, ang Maynila dahil sa marami ang food chains na sumusuporta at tumutulong sa lokal na pamahalaan na mabigyan ng trabaho ang senior citizens at PWDs kaya pinasalamatan natin sila.
“Kapag lahat ay nabibigyan ng opportunity na magtrabaho, ito ay isang paraan para kahit anong edad maging productive sila. Kailangan po natin ng manpower at ‘yung job opportunities… it’s just a matter of kung aakma sila sa job opportunity na naibibigay sa kanila,” ani Lacuna.
-
Ads October 5, 2020
-
Rice price cap, binawi na ni PBBM
BINAWI na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. simula Oktubre 4, Miyerkules ang rice price cap. Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na ito na ang tamang panahon para i-lift ang rice price ceiling lalo pa’t namimigay na ng bigas ang pamahalaan. “Yes as of today’s we are lifting the price caps […]
-
THE AUTOBOTS COME FACE TO FACE WITH THE MAXIMALS IN NEW CLIP FOR “RISE OF THE BEASTS”
STAND DOWN. Watch the Autobots meet the Maximals for the first time in the new clip “Prime Meets Primal.” Transformers: Rise of the Beasts, the latest from the Transformers franchise from Paramount Pictures, arrives in cinemas across the Philippines June 7. YouTube: https://youtu.be/vGwnSaSYnUE Facebook: https://www.facebook.com/paramountpicsph/videos/944125290341488 Get ready to RISE UP […]