TRACKING SYSTEM PARA SA MGA OFW, SINIMULAN NG DOLE
- Published on June 26, 2020
- by @peoplesbalita
Pinagana na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tracking system para sa lahat ng Overseas Filipino Worker na nakabalik at pabalik pa lamang ng bansa na pawang naapektuhan ng Coronavirus disease-2019 pandemic.
Tinawag ang programa bilang OFW Assistance Information System (OASIS) ang sistema para makapagbigay-alalay para sa maayos na repatriation ng mga manggagawa galing abroad.
Tinatayang aabot sa higit-kumulang 500,000 OFW ang nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19.
Nitong March 2020 hanggang mid-May 2020, umabot sa 36,000 ang nakabalik na ng bansa at sumailalim sa mandatory quarantine, pagsasailalim sa rapid testing at kung mag-positibo ay sasalang sa confirmation gamit ang real time polymerase chain reaction (RT-PCR).
Paliwanag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, tinawag na OAISIS ang programa dahil katulad ng dako sa isang disyerto o ilang na lugar kung saan may umuusbong na tubig at halaman ay maghahatid din ng pag-asa sa mga OFWs na muling makasama ang kani-kanilang pamilya sa kanilang mga lalawigan.
Kaya gamit ang sistemang ito, kagyat na matutulungan ang ating kababayan na mahanap kung nasaan siya, mabigyan ng kinakailangang tulong at mapauwi sa bansa.
Pinagagana sa kasalukuyan ang OASIS sa command center ng DOLE sa punong tanggapan nito sa Intramuros, Manila, para sa mga nagbalik-OFW.
Matatandaan na nakarating kay Pangulong Digong Duterte ang hinaing ng mga repatriated OFW na inabot na ng dalawang buwan sa mandatory quarantine sa mga hotel o resort na pinagdalhan sa kanila ng Overseas Workers Welfare Administration.
Binigyan nga ang mga ahensya na may kinalaman sa OFWs ng isang Linggo para mapabalik sa mga probinsya ang mga kababayan natin.
Para hindi na maulit ang nangyari, sa pamamagitan ng OASIS ay maitatala ang lahat ng mga OFW, maisasaayos by batch ang kani-kanilang pag-uwi batay sa destinasyon, mabibigyan ng iskedyul para sa gagawing swab test, maibibigay ang resulta agad-agad, kung negatibo ay mapauwi na sa kanilang pamilya o kung positibo naman ay madala sa quarantine facilities ng pamahalaan.
Kaya para sa mga OFW na magbabalik bansa, kaagad na mag-rehistro sa www.oaisis.owwa.gov.ph.
Mayroong form na kailangang sagutan.
Paalala, importanteng malagyan ng ‘check’ ang tamang kahon na nagsasaad na inyong nabasa, naintindihan at kayo ay nagbibigay pahintulot para sa mga impormasyong inyong ibinigay,.
Kailangan ito bilang pagsunod sa probisyon ng Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012.
Magpapadala ng link sa inyong ibinigay na email address na nangangahulugan na natanggap ang inyong pagpaparehistro.
Mabuti naman at naisip na gamitin ng DOLE ang OASIS program para makatulong sa mga repatriated OFW natin, inaasahan na may 40,000 pang magbabalik-Pilipinas na kababayan natin na nawalan ng trabaho.
Ang maayos na sistema ay magbibigay ng magandang pakiramdam sa kanila na inaaruga at nagmamalasakit ang pamahalaan sa kanilang kalagayan.
Karapat-dapat ang mga OFW natin para sa maayos at may sistemang serbisyo dahil umaabot sa US$32.2 Billion ang remittances na ipinapasok nila sa ating pambansang ekonomiya o katumbas ng Php 1.6 Trillion.
-
Health protocol violators, tumaas kasunod ng pagluluwag sa restriksyon sa NCR
TUMAAS pa ang bilang ng mga indibidwal na lumalabag sa mga ipinatutupad na health protocols sa Metro Manila, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown. Ito ay kasunod ng pagbababa sa Alert Level 1 sa buong National Capital Region (NCR). Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Felipe […]
-
PBA nakaabang na sa vaccine
Nag-aabang na ang Philippine Basketball Association (PBA) sa vaccine na gagamitin sa mga players, coaches at officials nito. Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kumpirmado na ang vaccine ng liga dahil kasama na ito sa listahan ng mga nag-order sa Red Cross. “Nag-request na kami sa Red Cross at nag-confirm na […]
-
Alex, mariing itinanggi na magkaka-baby na sila ni Mikee
DAHIL sa masayang tweets ni Alex Gonzaga-Morada noong March 23 maraming netizens ang agad na nag-react at natuwa. Tweet kasi ni Alex, “I hope and pray today will not just be an or- dinary day for you. May something good happen in Jesus’ name! “Wow!!! Thank you Lord!!!! Today isn’t really […]